|
Religious Community Hati sa Arroyo Ouster Calls |
|
February 27, 2008
Hati ang religious community sa paninindigan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na huwag pagbitiwin si Pangulong Arroyo kaya pati ibang pari, hindi napigilang direktang manawagan laban sa Pangulo.
Ang ilang pari tulad ni Fr. Ino Cueto ng Baclaran Church, hindi na naawat sa kanilang paninindigan kontra sa Pangulo.
"Tama na sobra na… panibagong pagkakataon na ito para sa kanya ay isalba ang kanyang dangal bilang pinuno. Ang pamamaraan na iyon ay ang bumaba siya sa pwesto," aniya.
Nirerespeto man ni Fr. Cueto ang opinyon ng kanilang mga lider na obispo, salat naman daw ang panawagan.
"Kulang sa talas nga… sana ay may kaunting pwersa o lakas yung panawagan. ‘Wag nating hayaang gawin tayong tanga ng mga sinungaling na ito. ‘Wag nating hayaan na tayoy paglaruan ng mga magnanakaw," ani Cueto.
Sa tingin naman ni La Salle Bro. Armin Luistro, hati rin ang mga obispo sa isyu ng pagbibitiw ng Pangulo.
"Siguro among the bishops iba-iba sila. I think they are divided on that issue... hindi naman nila sinasabi na bawal para sa mga Katoliko na magtawag ng resignation," ani Luistro.
Pinagtanggol naman ni Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma ang kanilang desisyon. Wala daw sa poder ng simbahan ang magdikta sa pamahalaan.
"Calling for the resignation is a political call. That is beyond the competence of the bishops. What we are providing would be the moral guidelines," aniya.
Bukod sa CBCP, hindi rin nagtawag ng resignation call ang samahan ng obispo sa Christian at Orthodox churches.
Problema daw ng lipunan kung sino ang dapat ipalit sa Pangulo.
"Anong mangyayari kung sakali magkaroon tayo ng revolution. Kung mawawala si GMA, she got only one year and a half, anong gobyerno papalit dyan?" ani Patriarch Florentino Teruel, spokesman ng Heal the Nation Interfaith Council. Source: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=110597 |