To listen to the previous recordings, go to the MESSAGES section of our website.
2007-08-24 Message of Beloved Ingkong at EDSA Transcribed by: Apo Angelo De Alexandria (Benjamin Cayabyab) (Disclaimer: The publisher did not verify the accuracy of the transcribed contents)
2007-09-29 MESSAGE OF BELOVED INGKONG AT EDSA (BEFORE TATAKAN)
2007-09-29-A(before-tatakan).MP3
Ingkong: Gloria En Excelsis Deo
People: Alleluhia
Ingkong: Gloria En Excelsis Deo
People: Alleluhia
Ingkong: Gloria En Excelsis Deo
People: Alleluhia
Commentator: Sambahin natin ang Mahal Na Ingkong sa katauhan ng Mahal Na Patriarka. Santo, Santo, Santo, Panginoong Dios na makapangyarihan. Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo. Hosana sa Kaitaasan.
Ingkong: Pagpapala buhat sa Ama, Anak at Espiritu Santo
People: Amen
Ingkong: Bagamat pagal ang katawan ng inyong Papang, nang Batang ito aking ginagamit. Narito siya sa paglilingkod sa tao. Sa tawag ng pagibig ng Dios sa Tao. Sa tawag ng pagliligtas sa mga kaluluwa patungo sa buhay na walang hanggan. Ang inyong Papang galing pa kanina sa Sacrifice Valley. Gumanap siya bilang Kapitan ng Lupang Banal ng Sacrifice Valley. Pumunta siya doon tuwing ika-lawa at ika apat na biyernes ng bawat buwan. Yan ang kanyang pagkukulang na ginagawa. Dapat sana, kaya nanawagan may sasabihin at kaharap sina Secretary Atienza upang saganon pagusapan ang mga ibinibigay, binibigay na mga lupain sa iba’t ibang samahan, iba’t ibang pananampalataya ng iba’t ibang Simbahan. Pero mas minabuti niya magtungo siya doon sa Lupang Banal para mapaglingkuran ang mga tinatakan. Paguwi nya kaunting pahinga, may tungkulin siya bilang Rotarian siya, nagtungo na naman siya sa isang pagpupulong. Kararating nya lang matapos ang ika labing dalawa ng hating gabi. Kaya narito, gumaganap, naglilingkod sa inyo. Alam ko naharana kayong lahat. At alam ko, mas kabilang kayo, ilan ang nakaluhod na tatatakan. Sino ang Ama ng Rehiyon. Ilan sila? Siguradong limampu? Hindi kuwarentay nuebe at kalahati. Hindi kuwarentay nuebe lang? Baka may kuba, baka may pilay. So hindi kompletong limampu. Ang Batang ito, siminaristang unang pinagpakitaan ko. Bilang isang matanda, akoy nagpatawag, akong Ingkong. Sa pamamagitan nya napasimulan ko ang aking mission. Sa kanya ko narinig ang katapatan ng pagtitiwala. Sa isang matanda na hindi nya kakilala. Subalit, sa mysteryo ng Dios. Kung kinakailangan kang gamitin ng Dios. Dios mismo ang maglalagay kung anong wiwikain mo at bibigkasin ng iyong bibig at yan ang ginawa ng Ama sa Batang ito. Nong tinanong ko siya. Anak maari mo ba akong tulungan? Alas singko e medya ng madaling araw, sa loob mismo ng semenaryo, dyan sa compound ng Ateneo De Manila University. Kung saan ang inyong Papang ay nagaaral din ng kanyang pagpapari. Ang sagot ng Batang ito, “Kung ang hinihiling nyong tulong ay ikaliligtas ng Mundo, gawin nyo sa akin ang nararapat”. At dahil dito, nagpakita ako sa tunay kong kaanyohan bilang si Hesus, bilang isang Kristo. Hindi ako nakatungtung sa lupa kung hindi nakaangat na. Umiyak ang Bata, ay di naghuni, natakot sapagkat nakita nya nga ang mga paa ko, hindi na nakatungtung sa lupa. Pagkayari sinabi ko, Anak tignan mo ako, pagmasdan mo ako. Kilalanin mo ako kung sino ang nasa harapan mo. Tiningala nya ang kanyang mukha, nakita nya ako at sinabi nya, Dios Ko! at Panginoon ko! Matagal namutawi sa bibig ni Thomas na isang Apostol. Na hindi naniwala hanggat hindi nya nakikita ang mga butas sa mga kamay ng inyong Panginoon, at hindi nya nasasalat ang sugat sa tagiliran ni Kristo. Noong nagawa nya sinabi nya, “Dios ko! at Panginoon Ko! Sinabi ni Hesus, “Mapalad ang naniniwala sapagkat may nakikita, subalit higit na mapalad ang naniniwala kahit walang nakikita”. Ang katagang ito twina, sa bawat pagtataas ng Hostya, sa bawat himalang nangyayari, ng tinapay ang Hostya ay nagiging Katawan ni Kristo. Na winiwika nya sa sanlibutan, ng mga nananampalataya, “Dios Ko! Panginoon Ko! Sa pamamagitan ng Batang ito. Nasumpungan ko ang tunay at Banal at nagiisang luklukan ng Espiritu Santo. Walang iba kung hindi ang kanyang Mahal Na Ina. Na ngayon ay tunay na Santa sa piling ng Dios Ama sa langit. Na kayong mga tinatakan at nagkaroon ng nais sa kanya. Napakapalad ninyo! Sapagkat wala kayong iniisip pangalan kundi Santa Maria Birhenia. Sa pamamagitan nya na hindi tutupdin ng Dios. Lahat na lamang tignan nyo ang kahilingan ninyo. Kung ito bay tunay na nararapat sa inyo. Kung ito ba’y practical, kung ito bay karapat dapat nga dahil ikaw ay nandyan sa estado ng pagbabanal. Sa pamamagitan din ng Batang ito ang lahat sa aking kapanahonan bilang Espiritu Santo na walang laman, na walang buto. Naglilingkod sa tao kaya gumagamit ng tao. Pagkakatandaan ninyo, minsan lamang nagkatawan tao ang Dios. Yan ang Banal na Salita, Salita na sumasa Dios at ang Salita mismo ng Dios at nagkatawan tao. Si Hesus yan. Nasa katotohanan, mula’t sapul ang Dios ay Espiritu at Kapangyarihan. Siya ang Alpha At Omega. Ang isang matandaeng Ingkong, ang Lolo ng Lolo ng Matandaeng Ingkong. Ang Ingkong ng lahat ng tao ay si Adan at si Eva at ang Ingkong ni Eva at ni Adan, walang iba kundi ang Dios. Kaya ang salitang Ingkong, akala ng iba ito’y isa lamang particular. Personal na pangalan ng isang matanda, pero sa katotohanan din sa lumang Tsina, ang ibig sabihin ng Ingkong ay pinakamataas sa lahat ng Dios. Ang Kong ay Dios. Ang Ing ay salita mismo, isang processo pagpasok ng Dios sa Tao. Tulad din yan ng inspirasyon. Inspiritu – ang Dios bilang Espiritu ay pumapasok sa tao. Kaya kapag ikaw ay inspired, makita nyo ang kasiglahan ng buhay nyo. May takot ka masigla ka, may lakas ka may enerhiya ka. Mayron kang tinatawag na zeal. Kung ikaw naman ay enthusiastic, pareho rin yan ng Ingkong. Entheo, Theo ang Dios. Pumapasok ang Dios. Kaya ko ang Kong, Theo at Espiritu ng Dios. Ang dahilan mismo nila ay ang pagpasok ng Dios sa Tao. Kaya sumasaiyo ang Ingkong. Sasabihin mo ba, “Nasa akin ang Ingkong”. Ang saya saya ko, ang lakas lakas ko. Mararamdaman yan ng isang tinatakan. Kapag wala sa kanya ang Ingkong. Papano mawawala ang Ingkong sa buhay ng isang tinatakan? Kapag nagbalik ugali siya sa dati nyang kasamaan. Ang mga Banal nyong tatak mawawala sa inyo. Hindi nyo kinakailangan marinig sa inyong Ingkong na Wala kang Tatak. Mararamdaman mo yan. Papano ko maibabalik yan? Alam mo rin, tinuturo sa inyo. Mangumpisal ka at magsisi ka.Magtika ka sa iyong mga kasalanan at magbabalik sa iyong sarili ang iyong Tatak.Mahal ko kayo, kaya ako’y naglilingkod. Pagkatatandaan ninyo, maraming bulaang propeta. Marami akong Tinatakan na ngayon ay siya mismo ang kumakalaban sa aking kagampan. Tulad din sa panahon ni Kristo, maraming anti-kristo. Tulad din sa panahon ni Amang Yaweh, sa panahon lang ni Moises, lahat na linya, may mga kumalaban na hindi nagtiwala. May mga nagsisi kay Moises. Sana hindi mo kami inalis sa Bansang Egypto na kung saan kahit kami naghihirap mayron kaming kakainin, mayron kaming kasiguradohan. Dinala mo kami dito sa parang, sa ilang na sinasabi mo na nandyan ang Dios na gumagabay. Pati kagampanan ng Dios ay hindi pinaniniwalaan. Dito lang ba sa lupa nangyari yan? Hindi mga Anak. Maging doon, nong una pang panahon sa langit, sa kalipunan ng mga Arkanghel at mga Anghel. Sino nga ba si Lucifer na naging satanas? Siya ang Prinsipe ng Liwanag. Na halos nandodoon pantayan nya ang Dios sa pagaakala nyang – maraming sa tao ang maniniwala sa kanya o mga Anghel. Marami na siyang tagasunod. Tulad, sapagkat minsan ang tao, sa halip na sa Dios nanampalataya, yong kinakasangkapan ng Dios ang pinaniniwalaan. Mas pinipili ang bagay na malapit sa kanila. Ang may limitasyon kaysa sa Dios na walang limitasyon. Kaya nga nong bumaba ako, nag desisyon ako na umalis muna ng Lupang Banal at yan ay sa kapahintulutan ng Ama sa langit, dahil ang Papang nyo ayaw nyang makaaway ang kanyang mga kapatid doon sa Lupang Banal. Ginagalang nya ang kanyang matatandang kapatid. Kaya para hindi madusta ang kanyang pagod ng inyong Mahal Na Ingkong, minarapat nyang bumaba sa Edsa, dito muna gumanap. Walang naiwan doon sa Lupang Banal. Sa halip na sumunod sa kanilang Panginoon mas piniling manatili sa isang lugar, pinabayaan ang Dios. Anong nangyari sa kanila? Pinababawan sila ng masamang Espiritu, ng kadiliman. Hanggang mga Tatak nila’y nawala. Nagtayo sila ng sarili nilang Simbahan. Samantalang bantad at lantad sa kanila na ibig itayo ng kanilang pinakamamahal na Mamang na Simbahan, walang iba kundi ang aking Simbahan, ang “Apostolic Catholic Church” na nagiisang Simbahan aking tinatag sa pamamagitan ng inyong Papang. Saan nila dinala ang Church of the Most Holy Trinity? Trinity sapagkat tatlo silang magkakapatid, kapatid ng inyong Papang. Sa ginawa nilang pangalan yong dating kapilya dyan. Sa Edsa rin pero hindi yan Reliheyon, ni pangalan ng edificio, pangalan ng isang gusali, pangalan ng isang pinagsasambahan, pero hindi ko yan Reliheyon, hindi ko yan Iglesia. Ang inyong Amang si Yaweh ay may Simbahan. May pananampalataya ang tawag dito’y Judaism- ang paniniwala sa iisang Dios. Ang Dios ni Abraham, Dios ni Jacob, ni Isaac, dumating din si Kristo bilang Hudyo sa pangalan ng Reliheyon ng iyong Ama sa langit. Subalit kinakailangan itayo nya ang sarili nyang Simbahan ang “One Holy Catholic Apostolic Church”. Na sa gawi ng tao ay nahati, naging Eastern Right, naging Western Right. Halos magsumpaan, magpatayan at hanggang ngayon larawan yan ng inyong daigdig. Ay ang dami ng mga Reliheyon, itinatag sa Pangalan ni Kristo, nagaawayaway. Mayron din naman mga Reliheyon mula kay Abraham, ang Islam, mula sa Ismael at mula kay David, Isaac ang Kristiyanismo. Bakit nagaaway? Isa ang pinagmulan ang Ama nilang Abraham. Na ang Abraham naman ay galing din kay Yaweh, na ang Ama ni Kristo. Kaya nga sa panahon ng Espiritu Santo, sapagkat Ama, Anak at Espiritu Santo, pantaypantay, iba iba lang panahon, iba ibang kagampanan, may sariling Katuroan, may sariling Iglesia, may sariling patakaran at panahon. Ngayon panahon ng Espiritu Santo, sino makasasansala at makakapigil sa aking pagganap. Samantalang hindi pa nilalang ang langit at lupa ang lahat ng nangyari noon na nangyari at nangyari ngayon at mangyayari sa darating na panahon. Yan ay nakatala, mangyayari at magaganap. Kaya nga ba sinabi ni Kristo, “Papano kayo Eskriba at Paraseo, kayo ang nagpapahirap sa mga tao. Samantala sasampu lang Utos na binigay ng Ama kay Moises. Ginawa nyo mahigit na anim na raan (600) o kayo nandyadyan at nagbabanal. Kung darating ay mataas pa sa tuktuk ng inyong Simbahan. Ano ang magagawa nyo? Maging sa panahon ngayon. Naglipana ang makapangyarihan Romano Katoliko. Sino ang makapagsasabi na mayron pa palang gaganap na Espiritu Santo. Na ang pipiliin nyang Simbahan na hindi Romano Katoliko, kundi ang “Apostolic Catholic Church” kung saan sa pamamagitan nito ang One Holy Catholic Apostolic Church ay nahati sa dalawa, Eastern Right Orthodox, Western Right Roman Catholic. Hindi na maguugma, hindi na magkakaisa sapagkat bawat isa ay isang Institusyon. May dangal, may yabang at may lahat ng estorya sa kanilang kapanahonan. Subalit sinabi ng Ama, “Isang Kawan, Isang Pananampalataya”. Mabibigo ba ang Dios Ama? Kinakailangan ba sa kagampanan ng tao mabigo ito? Sino ba ang hindi, mas higit na may kapamaraanan, Tao ba o Dios? Ang Dios. Dahil sa pamamagitan ng Apostolic Catholic Church. Ito lang ang Simbahan makita nyo dalawang ulo ng Krus. Ang Krus ng Eastern Right o ng Orthodox at ang Krus ng Roman o Western Right. Sa gitna ang Espiritu Santo, bilang Ingkong. Sa larawan ng Kalapati. Dahil dito, nagtagumpay ang ibig ng Dios. Ang kanyang kahilingan. At dahil dito naging Adbogasia ng inyong Simbahan na makiisa sa lahat ng mga Kristyanong Simbahan. Kaya yong Simbahan Apostolic Catholic Church sa pamamagitan din ng inyong Papang. Ang natatanging isang daan na kagampanin ng Espiritu Santo ay naging myembro kayo ng National Council of Churches in the Philippines. Nagiisang konseho ng mga hindi Romano Katolikong Simbahan. Subalit ginagalang, binibigyan pagkilala ng CDCP ng Romano. At dahil sa adbogasia ng Simbahan ninyo, na natatangi isa lang ang Dios at ang lahat ng tao ay magkakapatid bilang tao sa iisang Dios. Adbogasia rin ng Papang nyo yan. Ang inyong Simbahan ay napapalaot sa Inter Faith, andyan ang Muslim, andyan Bramapomares Sambayan Faith, nandyan ang Shiento, ang Hindu at lahat na. Kung hindi dahil sa Simbahan ito, marami ng pananampalataya ang nagsarili at naparusahan sana. Dahil tunay kung winiwika sa inyo, “Darating ang panahon at ito’y masasaksihan nyo, halos lahat ng pananampalataya’t Reliheyon ay mawawala at magkakawalang bisa, mananatiling mananatili na tumatayo at nagtatagumpay ang aking Simbahan. At iisa lang yan ang “Apostolic Catholic Church”. Maraming gumagaya, maraming gumagamit ng aking Pangalan. Subalit hindi ko sila minamarapat. Hindi lahat ng nagsasabi, “Dios Ko! Dios Ko!” ay maliligtas. Tulad din, hindi lahat ng nakaputi ay tunay na nagbabanal. Pagkakatandaan ninyo sa Santong Kasulatan, sa huling aklat ng inyong Biblia. Nasusulat, Isang daan apat naput-apat na libo (144,000), mga taong nakaputi, babaet, lalake, matanda at bata. Hindi perpekto ang bilang subalit nagsasabi dahil may bilang. Hindi lahat maliligtas. Pero may maliligtas. Lahat ng yan naka puti, lahat yan naka kulambong ang ulo. May takip ang ulo, babae’t lalake at sa noo nila ay mayron tatak ng Krus at nasusulat ang bagong pangalan ng Dios. At sinabi nga ng Dios sa apat (4) na Anghel, “Huwag nyo munang sasaktan ang lupa, hanggat hindi ang lahat ng dapat tatakan ay matatakan”. Naroroon din sa mga huling pahina ng huling aklat nito ng Santong Kasulatan. “Bubulusok ang isang tala sa ilalim ng lupa at magbubulwak ng maraming insekto”. Na ang insekto nito’y may kamandag, may kapangyarihan kumitil, pumatay ng buhay. Buhay ng hayop, ng halaman at ng tao. Iingatan nitong makagat ang mga may tatak ng Krus na puti sa noo. Na nilagay mismo ng Dios sa ngalan ng Ama, Anak at ng Espiritu Santo. Mayron din ibang taong dati may tatak na puti sa noo. Subalit dahil naging pasaway, naiskomunika ang kagampanan, pati ang kanilang mga polo pormal bilang Kristyano tinanggal ko at ang puti nilang Krus sa noo ay ginawa kong pula at patiwarik. Para madali para sa Anghel ng Dios sa araw ng paghuhukom na makaon sila at makuha upang doon itapon sa apoy at sa asupri. Hindi kayo magtatanong? Malupit yata ang Dios? Tao ang malupit. Mahal ng Dios ang Tao. Nakalaan sa kanila ang Buhay Na Walang Hanggan. Subalit dahil ang tao ay nilalang ng Dios ayon sa wangis at anyo nya. Na may kapangyarihan maging matalino, malaman ang tama at mali. Tama at Mali! Ang tuwid at Baluktot. At medyo ganyan din ang kalagyan. Na siya mismo ang mamimili, siya mismo ang magdedesisyon kung susunod siya sa Dios o sa kaaway ng Dios. At ang mga ginawa niyang tao, tama man o mabuti, magbunga at magbubunga. Kung mabuti ang ginawa, may biyayang darating. Kung hindi Siya ang tatanggap, Mahal Nya sa Buhay, Anak nya, Apo Nya, hanggang ika apat na henerasyon. Kung mali naman ang gagawn may kaparusahan nakalaan. Kung hindi siya tumatanggap, ang Asawa, Anak nya, Apo nya hanggang ika apat na henerasyon. Tatanungin ito ng tao, na nagdidisisyon ang tao lumapit sa Dios. Kung dito pa man sa lupa kaaway na siya ng Dios, kumpare, kumare na siya ni satanas, matatagpuan niya ang sarili niya doon sa empierno. Subalit kung dito sa lupa, siya’y lulubayan ng Dios sa kabila ng kahirapan. Nagtiwala siya at naniwala hanggang wakas ng buhay niya nandodoon siya sa Dios. Matatagpuan niya ang sarili niya sa langit. Kung matagpuan mo ang sarili mo sa empierno. Huwag mo sisihin ang bianan mo, huwag mo sisihin ang asawa mo o sinumang tao. Ikaw ang gumawa nyan. Ang mahal mo ay nasa langit, tapikin mo ang balikat mo. Ikaw ang gumawa nyan. “In fairness to mankind, with all your faculties of intelligence and free will”. “No one goes to heaven and to hell without Him or have knowing it” na doon siya pupunta. Sapagkat dito sa lupa kayo ang gumagawa ng takbo ng buhay ninyo. Kaya nga sa guhit ng palad ng tao walang parehong guhit. Sapagkat, “each one of you has it’s own individuality”. May kanya kanya kayong sincrecy, kakanyanan. Kahit yong identical twin, yong kamuhang kamukha na, hindi pa rin parehe ang takbo ng buhay. Kaya mga anak, kung mahal ninyo ang angkan ninyo, ingatan ninyo ang ginagawa ninyo. Na hindi ito magbunga ng kasamaan. Walang kaparusahan, gawin nyong tama, sumunod kayo sa Dios. Wala naman kayong susundin, hindi si Elvis, hindi si Madona, hindi si Piolo, hindi kung sino pa man, kundi si Kristo. Sapagkat siya ang katotohanan, sapagkat siya ang buhay at siya rin ang daan. Wala siyang iniba sa kalooban ng Ama. Kaya Kristo noon, may Kristo ngayon, may Kristong susunod sa panahon. Winiwika niya, Magkasala ka sa Ama, maari kang patawarin. Magkasala ka sa Anak, humingi ka ng Awa, maaring igawad sa iyo ang kapatawaran. Subalit ang magkasala ka sa Espiritu Santo, sa oras na yon hanggang kabilang buhay dadalhin mo ang kaparusahan. Ano ang mga kasalanan laban sa Espiritu Santo? Marami dyan, una ang diretsong paghawak mo sa kagampanan ng Espiritu Santo. Ang isa dyan ay ang pagbabaling mo, paghihilom sa tradisyon, sa mga turo at aral na naging daanan ng kaligtasan ng maraming tao. Babaliktarin mo. Anong daan ni Kristo? Ang Krus, ang pagpapakasakit, ang pagpapakababa, ang pagsunod sa Dios Ama. Hindi ka maaring umibig na hindi ka nagsasakripisyo. Hindi ka maaring magmahal na wala kang pagtitiis. Hindi ka maaring maligtas na wala kang pagpapakababa. Tapos maraming Simbahan dyan. Mga tinawag na bagong Simbahan ng bagong panahon. Mga fundamentalista, mga born again. Walang ginagawa kundi Alleluia!, Praise the Lord! Kantahan ng kantahan! Tanggapin mo lamang si Hesus bilang iyong Tagapagligtas, bilang iyong Panginoon! Ligtas ka na! Yan ba ang sinabi? Hindi ba sinabi ni Hesus, “Ang kapatawaran mababa sa kanyang kaparian”. Sa kanyang mga Apostoles, “Pedro, ang sinoman kalagan mo sa lupa ay kakalagan ko sa langit”. “Ang sinoman panatiliin mong nakatali sa lupa, nananatiling nakatali sa langit”. Kaya sa kanya binigay ang susi. Ay mga Simbahan, papano nyo? Anong connection nyo kay Pedro? Nadaanan ba kayo ng Kapangyarihan nya? Nang karapatan magpatawad? Mula pa kay Kristo, itong mga Apostoles, yan ba ang mga namuno sa inyo? Naputungan ba yan ng kamay salin saling lahi? Hindi! Ano ang hinawakan? Biblia! Ano ang Biblia? Libro! Banal na Aklat? Pero sino ang mas mahalaga? Saan itinayo ang Simbahan? Sa Biblia ba? O sa Tao? Sa Tao sapagkat Tao ang ililigtas. Hindi ang Biblia ang ililigtas. Ginawa ng Dios ang Biblia, illustray yan, binigyan inspirasyon para kung sakasakali ito’y maging batayan at tunghayan ng pagliligtas. Kaya nandyadyan ang Simbahan tinatag ni Kristo ang Katawan nyang Mystiko ang isang tao hindi isang bagay. Kaya nga sa Korte ng Dios, habang maraming taong dito nakapila patungo sa Korte ng Dios. Yon ngang sinasabi may Tatak ng Krus sa noo. Sa Korte ng Dios nandoon ang isang pulaang dragon. Sino ang dragon? Si satanas. Malaya siyang nandodoon mismo, para ang bawat isang taong hinahatulan ng Dios, nandoon din siya, na hahamak sa Dios. Isang dragon na pula, pito ang ulo. Kumakatawan sa malalaking Simbahan na akala ninyo. Na ginagamit ang Pangalan ng Dios ay sumasa Dios pero nanliligaw ng tao. Ang tinataas at ang kanilang mga mission ay ang pangsarili dito lang sa lupa hindi pang langit. Sa halip na si Kristo, si Hesus ay itaas! Tinutungtungan ang Pangalan ni Hesus. Papano ka maliligtas, kung ang Simbahan mo, tinuturo mo si Hesus ay tao lang at ang founding coordinator ay Anghel sa Silangan? Papano ka maliligtas kung ang paniniwala mo ay sa Ama lang at sa Anak at ang Espiritu Santo ay utot lang at hangin lang? Papano ka maliligtas kung si Kristo lang ang tinatanggap mo at ang Ama at ang Espiritu Santo ay baliwala sa iyo? Papano ka maliligtas kung tinatayok man ang Tatlong Persona subalit hinahamak mo ang pinagdaanan ng Panginoon mong kinikilala na si Hesus? Papano ka maliligtas? Kung mismo si Maria na sinabihan ni Hesus, “Babae yan ang iyong Anak”. Tinuturo niya si Juan Ebanghelista! Yan ang kumakatawan sa sanlibutan. At sinabi niya kay Juan Ebanghelista, “Lalake, yan ang iyong Ina”. Dapat bang bayan ng Mundo kay Maria, at si Maria kakatawan bilang Ina. Magpapala! Hindi ba ganon ang nangyayari yan. Saan pa kayo nakakita ng himala matapos si Kristo ay sumalangit? Na hindi naman ginagawa sa pamamagitan ni Hesus. Hindi baga libo at laksa? Sa pamamagitan ni Maria! Mayron kayong Birhen ng Guadalupe, Birhen ng Piñafrancia, ng Lourdes, ng Fatima, ng Mejiugorje nang lahat ng iba’t ibang katawagan. Nandyan na ang huling pagparito ni Kristo ay Paghatol. Kaya kung may nalalaman kayong nagsasabi, “Ginagamit ako ng Kristong Hari!”, “Ginagamit ako at sumasaakin ang Nazareno”, “Ginagamit ako ni Hesus”. Kabulaanan yan. Walang gagamitin si Hesus! At ang ikalawa nyang pagparito’y huhukuman na ang tao. Hindi siya gagamit ng tao prior to his coming as a Judge and as a King. Ilan tao na ang lumapit sa inyong Papang, humihingi ng payo. Humahanap ng kakampi at nagsasabi, “ginamit po ako ng Kristong Hari”. Sinong Kristong Hari? Hari ng sabungan na Kristo! Papano kang gagamitin Anak? Samantalang ikalawang pagparito ni Kristo, hindi na bilang isang Bata sa sabsaban, kundi talagang Hari na Siya. Na dyan nga ba sisimulan ang hiwalay, yong hiwalay ang kambing sa tupa. Na ang mga kambing ay pupunta sa kaparusahan at ang mga tupa naman ay ilalagay sa kanan kamay nya patungo rito sa kaharian. At pagkatatandaan ninyo ang dragon na pulaan na may pitong ulo. Ang pitong ulo ay kumakatawan sa malalaking Simbahan na malalaman ninyo pagdating ng panahon yan ay nanliligaw. Mayron dyan Simbahan, siya na raw ang kapalit ni Kristo! Tulad ni Kibonoy! Siya na si Kristo ngayon! Tulad ni Sunmuelmoon! When Christ stops or ends, Sunmuelmoon starts! Yong daw mga mali at limitasyon na gawa ni Kristo ay itutuwid ni Sunmuelmoon. Kaya sa kanila ang araw sa kanya pa ang buwan. Sun muel moon. Ngayon sa aking nagiisa kung Simbahan ang dami na dyan. Simbahan naglalakbay sa lupa! Mga dati ko ng tinatakan, ng Church of the Most Huhulihin Trinity. Yong tatlo sa Trinity na huli na! Iisa na lang. Ngayon nagpadrug test. Lumabas na negative. Ipinastil na doon sa buong barangay. Pinalakpakan ng inyong Papang that kapatid naman nya ito. Mas maganda yong ituloy tuloy na ang pagalis ng druga. Hindi pa nga gumastos si Papang. Dahil ibig ni Papang kung ito’y drug addict matagpuan, iparehab, gagastosan ng inyong Papang. Ang pamilya niya bibigyan ng salapi, bibigyan ng ng kaun ng kabuhayan ay nag kusa siya, ay isang linggo lang pala hindi gumamit at nagpa drug test ka. Walang makikita! Lalu na kung ang sasabihin mo ito ang hahanapin. Particular na droga. Ang dami naman paraan. Kulang pa to, tutoo dyan yong ginagamit nyong toothpaste, pwede na rin yan kung tutuusin. Kaya lang very importer ang mga addict. Yon iba nga solvent, rugby. Ay kung wala kang pagbili ng rugby? Yon yung colgate! Yong dahon ng Papaya. Gusto nyong matuto? Lapit kayo kay Papang nyo! Turuan kayo! Grabis! Ngayon talaga nagbago na! Nagbago na sana! Darating ang araw, may nagtatangka sa buhay nya! Doon sa bahay nya sa Sacrifice Valley, may umaaligid. May lulung lang yon, bad trip lang yon! Nagbabad triping lang. Nakakita na naman ng anino kung ano ano. At kung anong sasabihin na naman! At kung anong mangyari ang nagpapatay si Papang. Kung doon namatay ang kuya nila naataki sa puso sa Batangas. Si Papang. Yong panganay na kapatid, nandodoon sa kuwarto nya na naglolotery yong malapit doon sa barindilla ng kanilang bintana kahit na may grayferri nabaril ng hustong husto. Siyam na putok hindi nagising yong asawa! Kinabukasan nilinis ang crime of the scene! Tapos idedeklara ilan lang daw sila samantala nandoon pa ang kanilang mga kapatid. Nakita nila ang nagiisang ampon na anak. Sino ang kawawa? Hindi pinainterview, walang ginawa kung hindi ituro sa radio, sa dyaryo ang nagpapatay si Papang. Bakit hindi pagisahin ang pagiging kagawad. Pag makita nyo ngayon, kung nakita nyo si Itang Getcher! Ganon na siya ngayon! Ay dati flight stewardes yan eh, International. Kaya nga naka linya nya yong panganay na kapatid ng inyong Papang. Kasi nga pati sa eroplano kung maglakad. [People laugh] O ngayon anong mukha? [People laugh] Nagtratrabaho doon sa Congresswoman Herminia Roman. Lahat ng lupain na minana niya sa kanyang asawa na hindi naman niya dapat minana. Nang1998 pa lang sa Amerika diniborsyo na ang Kuya ng inyong Papang. Bakit may karapatan siyang kumita? Kung diborsyado sila? Ay ang samahan lamang nila ay basi sa legal na paper. Yong legal na paper ay binaliwala niya. Ang sakramento nila ay tinanggal niya. Bakit mayron siya? Ngayon nalaman ng inyong Papang na siya nga pala’y nagdivorce bakit tumakbo siya bilang Teruel samantalang Bolavia na siya. So nililinlang niya ang Gobyerno, nililinlang niya ang kalipunan ng mga tao sa Sacrifice Valley. Nong malaman nya na maombudsman siya, nag resign sa pagiging kagawad. Yon nga nagtago doon kay Meriam. Ngayon ang dami ang nagtataka! Bakit ganon na raw ang mukha! Huwag kayong magtaka! Gayon talaga ang nakakarma! Hindi kayo makatatago sa Dios! Ngayon lahat ng humatol sa inyong Papang! Umabot saan ang kaganapan? Tignan ninyo? Kung hindi pantay ang paa at nakabaon sa lupa! May mga sakit na! Hukob na ang mga mukha ang likod ganon! Kaya lang pagkaingat kayo! Maglilingkod ako. Sino ang maghahandog?
Commentator: Ave Maria Purissima! Ave Maria Purissima! Ave Maria Purissima! Sa Pangalan ng Dios Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen. Ah magandang gabi po Mahal Na Ingkong! Una sa lahat po humihingi po kami ng tawad sa aming mga pagkukulang, pagkakasala sa isip, sa salita at sa gawa. Ang lahat nang yon ay aking pong sinusuko upang maging kalugodlugod po ako sa aking pong pagaalay. Mahal Na Ingkong ah naririto po ang limampung (50) kaluluwa sa inyo pong Banal na Harapan at sila po ay puspos po ng pagaaral dito po sa simula kanina magpa hanggang ngayon sa inyo pong Banal na Salita. At sila rin po ay nakompro ng aming mga Pari tungkol sa aming Rehiyon. Bawat po ah grupo ng sulok po ng bawat toka. At sila rin po ay naturuan ng mga gawain pang spiritual lalo na po ang Santo Rosario at sila rin po ay lahat nakakumpisal na. Kung kaya Mahal Naming Ingkong sa bumubuo po ng Rehiyon 10 sampu ng aking mga opisyales ng Rehiyon at ng toka, ng distrito at ng grupo. Kami po ay nananalangin ang limampung (50) kaluluwa pong ito na sanay matulad po sila sa amin na nakatanggap po ng Banal na Gabay mula po sa langit na siya po namin ngayon gumagabay sa amin sa pangarawaraw namin pong gawain. Marami pong salamat at magandang gabi po Mahal Na Ingkong.
Ingkong: Pangalan ng Birhen ng Rehiyon 10.
Commentator: Ah siya nga pala Mahal Na Ingkong patawad po. Ang bumubuo ang bumubuo po ng aming Rehiyon ang katawagan po Rehiyon 58 galing po ng Piñafrancia. Marami pong salamat.
Ingkong: Minamarapat kong paghahandog, ng Ama ng inyong Rehiyon. Ang Simbahan ito ay nahahati sa labing apat (14) na Rehiyon. Depende yan sa mga lugar. Kayo ay nabibilang ngayon sa Rehiyon 10. Kung dyan kayo sa nasasakupan nito, na mga lugar nito walang iba kung hindi ang Tondo, ang Malate, ang Santa Ana Pandakan. Dyan sa Santa Ana kasama ba ang Santa Mesa? O Santa Mesa, San Juan yan. Ano pa ang kasama sa Mandaluyong? Pasay, Tondo, Intramuros. Yong Intramuros sa inyo? Wala. Ang ganap ng bawat Rehiyon, ay naka site yan sa tatlong buwan. Dahil labing apat, linggo linggo gumaganap iba’t ibang Rehiyon. Kaya kung gumanap kayo ngayon, bibilang kayo ng tatlong buwan, yon naman muli kayo gaganap. Wala akong hinihiling sa inyo kung hindi sa oras ng inyong pagganap ng inyong huling Rehiyon. Rehiyon ng Piñafransia, kung saan nahahati ito sa mga toka toka, mga distrito at grupo. Makapaghandog man kayo ng isa lang kaluluwa. Na kapalit ng mga sakripisyo ng gumapas sa inyo. Kung ang bawat isa lang ay kikilos at hindi iyaasa sa mga opisyales. Sa Rehiyon niyo makakabuo kayo ng anim hanggang limampung kaluluwa. Ang iba sa inyo hindi lang siguro isa ang maiaalay. Ang iba siguro, ang iba sa inyo maaaring dalawa, tatlo o lima. Pero winiwika ko kung minamarapat niyo ang aking banta. Mayron kayong mga kamay na hindi maliligtas. Gawin ninyo ang lahat ng kapamaraanan na maligtas at maihandog. Iba na ang may Tatak kaysa sa walang Tatak. Santong Kasulatan na, Biblia na ang nagsasabi, kung papaano at sino ang pagsisimulan ng bagong langit at bagong lupa. Kung saan wala nang taggutom, wala nang taguhaw, wala nang paghahangad dahil walang kasalanan, wala nang sakit at wala na rin kamatayan. Ipagpapalit niyo ba mga Anak ang buhay niyo sa lupa. Kahit na tumanda kayo ng isang daan taon, dalawang daan taon kung ang kapalit ito naman ay Life Eternal! Buhay na walang katapusan. Nong unang panahon, simple at payak ang buhay ng tao. Sa bawat kilos at Gawain nasa isip at puso niya ang Dios. Noon walang telebisyon, walang computer, walang tinatawag na IT o Globalisasyon, yan mga expertise ng technolohiya o siyensiya. Na walang nakararating na bus sa inyong daigdig. Pinupuri ng tao yon. Bumibilang ng tatlong daan (300) taon, apat, lima, anim, hanggang siyam na raan at libong taon. Nagpapastol, nagpapahinga, nangingisda. Payak ang pagkain, mga pulot, mga trigo, mga arenang walang libadura. Sinasawsaw lang kung saan. Kayo ngayon, stake, morcon, pata king, crispy pata, lahat na masarap sa inyo. Pero matanong ko lang? Ano ang average life ng buhay ng tao ngayon? Singkwenta (50) anyos pa lang, tumitingin na sa pinanggalingan. Saan nanggaling ang tao? Sa lupa. Sesenta (70) anyos, nakayuko na talaga. Setenta, Otsenta nasa ilalim na ng lupa. Sayang ang mais, sayang ang buhay. Masarap sanang mabuhay kung tutuusin! Pero ultimong komplekasyon, andyan ang alak, andyan ang sigarillo, andyan ang sugal, andyan ang iba’t ibang kapritso. Maging sangkap na lang eh, instant lahat. Instant coffee, instant nodle soup, kaya ang buhay niyo, instant na rin nawawala! Instant boyfriend ngayon, bukas instant hiwalay. Yong kwoakayde may bango ng lotion, baby lotion di ba. Yong medyo dalagending, binatillo, cologne. Ilan tao na ang gumagamit ng cologne? Siguro mga kinse (15), desesais, deseotso. Pag around baentesingko na mga ganyan na, tipong nagliligawan na. Pabango na, Perfume. Ay Nanay na, Tatay na, may Apo na. Anong ginagamit? May day – Luyang dilaw, ang kampeon. Hilium oil, eficascent oil, ang lumampas pa diyan – Formalin. [People laugh] Biro niyo formalin ang amoy niyo. Sayang, ngayon Globalisasyon. Text mo lang, ilan sigundo lang nasa Europe na. Ang taga Amerika, text lang nasa Tondo na. Ganon kahusay ang tao. Saan natagpuan ba ang Dios? Maliligtas ba ng text ang kaluluwa? Pasama ng pasama ang takbo ng Mundo. Kaya ang Dios sa Pagibig niya at nais maligtas ang tao, gumagawa siya ng kapamaraanan, at ito na ang huling kapamaraanan ng Dios. Nang nakipagugnay si Yaweh sa tao sa pamamagitan ng mga Propeta at mga Patriarka, mga Hukom, mga Paham. Tapos nakiugnay na naman ang Dios, bilang Anak ng Dios sa tao, ikalawang pagkakataon. At ito na ang ikatlong huli. Ang huling pakikipagugnayan ng Dios, matapos ito, ang pagparito na ni Kristo bilang Hukom na magpapahiwalay sa masasama at sa mabubuti. Hindi ninyo nakikita si satanas naglalakad! Ang mga demonyo at diablo nandyadyan. Pero maraming tao ang nagpapaalipin sa kanila. Nagpapagamit sa kasamaan. Kita niyo kayo lang iba’t ibang K niyo. Nang dahil patas lumaban ang Dios, kayong mga tinatatakan, kayo ang itatapat ng Dios sa kasamaan. Kung si satanas hinahaplos niya ang mga tao ipapailalim sa kasamaan. Ang Dios naman, pipili ng mga Hinirang niya. Na patatawarin ang lahat ng kasalanan, bibigyan ng Banal na Gabay, upang kalabanin ang kasamaan. Kasamaan lunas sa kalooban sa sarili bago sa kapaligiran. At dito matutupad ang hula ng mga Propeta, Propeta Isaias,“Isasabog ng Dios ang kanyang Espiritu sa mga laman sa takdang panahon” at ang takdang panahon na yan ay ngayon na. Sa halip ni Propeta Joel, “Pagsasamahin nang taga langit at taga lupa, nang bawat isang tao nito ay bibigyan ng batong puti na nasusulat ang bagong pangalan ng Dios”. Anong puti na yan na bato? Batong puti ni Darna? Na nilulunok pag lunok sisigaw Darna! [People laught] O baka naman doon sa mas malaking bato ni Sese Saturna na sisira ang mukha, maaring mukhang nito parang yong batong puti na kapag nalunok nasisira ang buong pagkatao niya, nagiging siya si Saturna siya. Samantalang lalake naman siya. Ang batong puti na buhay na yan ay walang iba kung hindi ang buahy na Espiritu na kinukuha ng Dios sa langit na siya ang magpapatutuo ng bagong Pangalan ng Dios at tataglayin na susunod sa kanya kung hindi ang Pangalan Ingkong. Kung Ama may Pangalan. Ang Pangalan niya ay Yaweh. Ang Anak may Pangalan, ang Pangalan niya ay Hesus at dahil siya nga ang manunubos kaya Hesu Kristo. Ang Espiritu Santo ay di gayon din ang Pangalan sa takdang panahon. At walang iba yan kung hindi “Ingkong”. Kaya mapalad kayo, mapalad kayong matatatakan! Mapalad kayong natatakan at magpapakaganap. Sapagkat nasusulat din, “Ang magiging tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas”. At tunay wiwikain kung muli, “Hindi lahat ng naka puti ay tunay na nagbabanal”, at “Hindi lahat na nagsasabi na Dios ko! Dios Ko! Ay maliligtas”. May pananampalataya kayo subalit hindi naman kayo gumagawa. Baog ang pananampalataya na yan. Ang inyong paglilingkod sa Dios, dito lang sa nguso, hindi dito sa puso, kaya walang gawa. Ang gawa niyo ay ngawa! Marunong kayong magreklamo. Hindi naman kayo marunong tumupad. Marunong kayong humiling, hindi naman kayo marunong magbigay! Marunong kayong kumatok sa Dios, hindi naman kayo marunong magbukas. Alam niyo ba kung sakalye, ang pakikipagugnay ng Tao sa Dios at ang Dios sa Tao. Hindi lang isang direction. Hindi lang mula Dios patungo sa Tao lahat lahat o mula Tao patungo sa Dios. Common yan. Ay ito pinakikita sa inyong pagmimisa. Kung mayron pagbibigay biyaya ang Dios mayron din kayong ginagawang paghahandog. Ganon din sa inyo. Kung nais kayong biyayaan ng Dios, alisin niyo ang sumpa ng Dios sa inyo. Sumunod kayo. Sumusumpa ba ang Dios? Sa hindi nagmamahalaga sa minamahalaga ng Dios!. Nakasulat yan! If you cannot become a good steward of the Blessings of the Lord of His Gifts and of His Grace darating sa inyo ang sumpa“.Ano ang ibig sabihin,“Kapag hindi ka naging mabuting katiwala ng mga Biyaya ng Dios, mawawala ang Biyaya”.At isusumpa mo ang sarili mo. Nandyan, binigyan ka ng Dios ng isang daan pursiento ng biyaya mo. Kung kunin sa iyo ng Dios. Anak binigyan kita ng isang daan. Minamarapat kong ibalik mo sa akin ang ganyan sa akin. Ibigay mo sa akin ang ikapo, ten percent (10%) iyo ang ninety percent (90%) sa ibibigay mong ten percent pabalik sa akin. Sa akin din naman nanggaling, gagantihan na naman kita ng makaisang daan at sa iyo na tuloy tuloy ang mangyayari sa atin. Ang Dios ay hindi nagkukulang sa tao. Laging nakalaan ang kanyang pagbibigay. Ang tao pagdating sa Dios, ang pagsunod niya sa utos ang pagbibigay halaga niya sa utos ng Dios, ibibigay niya ang galing sa Dios. Ibibigay niya ba? Hindi. Pero ito ang susi ng masaganang buhay.Kung sa maliit na bagay, hindi ka mapagkatiwalaan ng Dios, papano ka pagkakatiwalaan sa mas malaki Ingkong papanik ako ng Sacrifice Valley, bigyan mulang ako ng pamasahe. Binigyan. Nakita sa Mall, ang palabas nga “I’m Falling” [People laugh] O Love Story. Doon mapupunta sa sinehan kaysa doon sa pinangako sa Dios. Tulad din ng isang lalake umiirog at nanliligaw kay Luningning. Luningning mahal na mahal kita. Iniibig kita. Susungkitin ko ang mataas na talang yan ihahandog ko sa iyong harapan. Kung kinakailangan lalanguyin ko ang pinakamalalim na dagat, kukuha ako ng perlas iyaalay sa iyo. Hantayin mo ako bukas, dalawin kita. Salamat. Sabi ni Luningning, pag hindi umulan ha! Ganyan! Ang pagsasakanya, ang dahilan sa kanya, minamarapat ng tao. Ang kanyang mula sa kanya ibibigay niya sa Dios ng maayos. Kaya hindi lahat maliligtas. Tandaan ninyo, darating ang panahon, pag napakita ko na sa inyo, kayong tinatakan kung papaano sa pamamagitan ng aking Simbahan, pagpapalain kayo pero hindi kayo susunod! Ako mismo ang magtatangal sa inyo. Hindi kayo makalalapit sa akin, hindi ninyo matititigan ang mukha ko, hindi ninyo mahahawakan ang dulo ng aking laylayan. Sapagkat sasabihin ko sa inyo, “Tutuong tutuo, hindi kita nakikilala”. Malapit ko ng gawin yan! Nandyan na yong mga livelihood program na maari niyong pakisamahan, na maari niyong tangkilikin. Ang dami ng mga biyayang dumarating, na kailangan lamang layuan ninyo ang panlilinlang. Simulan niyo sa Sacrifice Valley. Yong apat na hectaria ng Papang ninyo at marami pang lupain dyan sapagkat ang buong Barangay Sacrifice Valley, kung saan ang inyong Papang ay isang Kapitan. Yong anim na raan (600) hectariang yan! Bagamat sa magulang niya, mga isang daan, dalawang daan hectaria. Yong apat na hectariang nilinis ng inyong Papang na maari niyong pasimulan. Apat (4) na hectaria, naging apat (4) na rehiyon. Mga tauhan ng dalawang pamilya bawat rehiyon. Magalay ng dalawamput walong (28) pamilya na doon mismo sa lupain ng inyong Papang kung saan ibibigay ito sa Simbahan. May dalawamput walong (28) pamilya, na ang bawat pamilya pagka hinati hati mo yon ay sa mathematika, ang isang pamilya maglalagak ng halos ganitong kalaki na lupa, lupain. At palibhasa sa bawat rehiyon, mataniman ng kalamansi, mataniman ng mga suha, ng mga langka, ng mga iba’t ibang puno. Ang mga Congressiones ng mga Relihiyon, maari niyong makuha at maipon. Pasimula lang yan. Si Veronika, kapatid ng inyong Papang, binibigay niya na rin ang apat na hectariang niyang pangalagaan ng ACC. Darating ang panahon, lahat ng lupain doon, ayon sa binigay na pamana ng kanilang Mamang. Mapupunta sa ACC. Ay mayron na kayong isang daang (100) hectaria sa Antipolo. Anim na raan (600) hectaria, kasinglaki ng buong Sacrifice Valley na nandoon sa Ladar sa Toboban sa Cebu, kung saan ang mga Tinatakan ay nakipagpuntahan ng tatlumpung libo (30,000) na pagtanim. Kayo ano ang napuntahan niyo rito? Saan kayo nagpunla? Nagtatanin sa Antipolo. Dito oh, dito. Ang dali pang bunutin yan! Ganyan lang. Sa Palawan, kung saan pupunta ang Papang niyo doon. Mayron kayo sa Roxas! Limang daang (500) hectaria. At marami pang lupain kayo na binigay sa inyong Papang. Pero hindi tinatanggap ng inyong Papang, ipinalalagay sa Pangalan ng Apostolic Catholic Church. As in Catholic pa rin ang inyong Papang, mayron siyang mga pito hanggang siyam na titulo ng lupa, iiwan niya sa Scrifice, iiwan niya sa Apostolic Catholic Church. Kaya malalaman, lahat ng pinundar ng inyong Papang, sampu ng kanyang collection ng “Michael Jordan Shoes” na nakikita niyo siya sa Telebisyon, iniinterview nila Korina Sanchez, ni Karen Davila, ni Piolo, Paulo Bediones at lahat. Saan niyo iiwan yan? Sa Apostolic Catholic Church. Oo may tatlo siyang anak! Bawat isa naman, iiwanan niya ang sarili niyang Condo at ang bawat isa mayron naman mga insurance na mamanahin milyon milyon. Yong mga alahas at lahat.sa Simbahan ibibigay. Heto! Sinong demonyo tatagal dito? Sa palagay niyo, magkano ito? At sa palagay niyo, sino ang gumastos nito? Para magamit ng inyong Inkong! Si Apo Pedro ba? Si Apo Maria ba? O sila Arsobispo o sinomang Pari diyan? Wala nagpundar nito kundi mismo ang Papang niyo para ialay sa akin bilang Ingkong at magamit ng inyong Ingkong. Tunay ba itong ginto? Tunay! Tunay bang mga bato yan? Tunay! Kinuha yon una sa Simbahan. Sa Museium ng Simbahan niyo. Na mayron kayong kasaysayan, mayron kayong pinagdaanan. Mayron kayong kasalukuyan at darating na panahon. Dapat sana lahat ng gamit ng Papang niyo, inuuntiunti niyo ng iniipon. Pati yong mga scratches niya, pati mga drawing niya kasi bahagi ito ng kasaysayan ng Simbahan ninyo. Binubuhos sa mga librong nasulat na, na nandiyan sa National Library. Iniingatan yan, dapat mayron na kayong Property Querector na sinasabi. Sapagkat sandali mamatay ang inyong Papang, dapat nakaingat yan. Anong nangyari? Kung walang nangyaring ganyan walang nagingat! Namatay ang inyong Mamang, kinulimbat, ninakaw, pinagnasahan ng mga anak ng inyong Mamang. Mga kaluluwang wala naman kinalaman sa pagbabanal! Wala naman pagmamalasakit ng taong maligtas. Kaya ngayon binibenta kaliwa’t kanan kaliwa’t kanan. Sayang! Sana naingatan. May kinalaman mailipat yan mga muebles na inihandog ni Arsobispo Almario ng inyong Papang sa inyong Mamang noong nabubuhay pa siya at nagkasakit. Nakapreserba! Ngayon, kinakailangan kayong lahat ng Rehiyon mag meeting di ba? Magpulong pulong. Sapagkat sa hindi pagsunod ng mga Tinatakan, hindi kayo nakaabot sa bayaran niyo sa lugar. Na dito sa lugar na ito, dalawang buwan sa loob lang kayo hindi makabayad! Wala na kayo mailalabas. Papadlock yan. Kung maabutan kayo ng padlock sa loob, hindi na kayo makalalabas. Kasama kayo na ipapadlock. Milyones kayo mga Anak. Mahigit kayo limang milyon. Kung bawat isa lang sa inyo sumusunod. Hindi niyo problema! Pero hindi! Hindi natutulog ang Dios, hindi rin bumabata ang mundo niyo. Katunayan sa pagbaba lang ng Dios. Itong ganapan na ito naka broadcast sa buong mundo. Kung ikaw Tinatakan nandoon ka man sa Saudi at may sarili kang computer. Maari kang mag log-in, madidinig mo ang Ingkong nagsasalita. Kung hindi mo makita mismo sa video yong mukha at lahat dahil may travel time. Pero ang tinig nadidinig mo. Kailan nangyari ito? Nandon ka man sa Singapore, sa Taiwan at anong parti ng mundo. Canada, Amerika, may bago kayong elevation. Gusto niyong ipagmalaki ang Simbahan niyo? Kapatid e type mo langwww.acc-ingkong.com lalabas. May website na kayo o gusto niyo malaman ang inyong Papang, punta ka sa search Dr. John Florentine Teruel pag pindot mo ang dami doon mga write-up, iba’t ibang mga world bodies, iba’t ibang mga grupo. Hindi na Simbahan niyo ang nag write-up. ABS-CBN, mga Magazine, Director, Malacañang panahon ni Erap. Nandoon basahin niyo ang patungkol sa inyong Papang! Dyan sa mga humiwalay at naging manghahatol. Mayron ba sila? May nagagawa ba silang ganon? Wala! Ave Maria Purissima! Ave Maria Purissima! Ave Maria Purissima! Ano ang ibig sabihin ng Ave Maria Purissima? Taas ang kamay? Parang classroom. Parang hindi nababastos ang teacher. O class! What is the meaning of Ave Maria Purissima? Taas ang kamay! Sige! Taas ang o tinaas nga ang kamay. Sumusunod lang, o sige doon. Aba Ginoong Maria bukod kang pinagpala sa babaeng lahat pinagpala naman ng iyong anak na si Hesus. Santa Maria Ina ng Dios ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen. Ang haba naman! O anong ibig sabihin ng Ave Maria Purissima? At alam mo Anak O ano? O sige! Ave Maria Purissima! Aba Ginoong Maria, Napupuno Ka Ng Grasia.Hail Mary Full Of Grace Anong sagot dyan? Sin Pikado Con Su Vida. Ha! Sin Pikado Con Su Vida. Anong ibig sabihin. O sa lalake! Anong ibig sabihin ng Sin Pikado Con Su Vida? Akala ko ba lubos na nagaral! Walang sasagot? O nahihiyang sumagot. Wala nanam bayad ang pagsagot. O Sin Pikado Con Su Vida! [Child answer] Walang Bahid Kasalanan. [Ingkong] Saan? [Child answer] Walang Bahid Kasalanan [Ingkong] Saan nga? [People whisper] Sa Buhay. [Ingkong] Sa Divisoria, sa Abenida. Walang Bahid Dungis Kasalanan sa Buhay.Con Su Vida – Sa Kanyang Buhay.Sin – Wala, Pikado – Kasalanan. Con sa – A week Su Vida – Sa Kanyang Buhay. Sino ang walang kasalanan sa kanyang buhay? Mama Mary. Ito ay isang pagbati sa isang Banal tulad ng Mama Mary. Sino ang bumati? Arkanghel Gabriel. Nasaan si Arkanghel Gabriel? Yong nguso niyo nga, nasaan? Ningongoso ka! Ikaw nga ba yon? Ha! Ningongoso ka! Yan ang luklukan ni Arkanghel Gabriel. Sino si Arkanghel Gabriel? Siya ang mensahero. Kabarkada siya ni San Miguel. Sino pa ang barkada niya? Ilan ang Arkanghel? Pito. Sino sino? Miguel, Gabriel, Baraquel, Rafael, Xitiel, Oriel, at Ha! Judiel. Ha! Alam niyo alam niyo yan di ba? Ay si Lucifer? Noong una, pero hindi na siya. Ha! Ngayon anong gagawin ninyo ngayon bakit kayo nandirito? Hindi ko nga ho alam, alam ko inutusan lang ako bumili ng suka eh. May nakita kong pari kung hindi yon. Dinaladala ako dito ngayon nandito na ako. Anong gagawin sa inyo? Kayo ay magpapa Ha! Magpapabasbas. Magpapatatak. Anong tatak niyo? Namili na ba kayo? Sige sige, okso, bahala na, batang city jail o ano? Kayo ba ang mamimili ng tatak? Hindi. Sino ang mamimili ng tatak? Ha! Mahal Na Ingkong. Alam naman niyo eh di ba? Ay ngayon, yong pagbati Ave Maria Purissima ay para sa banal na Birhen Maria. Ay bakit kayo binabati? Banal ba kayo? Ha! Banal ba kayo? Ay bakit kayo binabati? Bakit ang mga tinatakan nagbabatian ng Ave Maria Purissima? Ha. Alang alang sa mga tatak ninyo at kayo’y luklukan ng mga Banal. Kaya nagbabatian kayo ng Ave Maria Purissima. Di ba? Tama yon. Ngayon, ang gagawin niyo magpapabasbas. Sa pagbabasbas, ito’y muli niyong pagkabuhay sa Espiritu ng Dios. Kayo’y binyagan. Kaya may kandila kayo. Yang kandila na yan ay sisindihan di ba? Pahiram ng kandila. Lahat kayo limampu may kandila? [They answer] Opo. [Ingkong] Lahat kayo ha! Ang kandila sisindihan. Di ba? Kaya ang hawak sa kandila sa harapan ng dibdib niyo. Mayron naka ganito. Kita niyo kamay malayo doon. Kasi sisindihan yan. Kapag ang kamay niyo nandito at sinindihan nakapikit pa kayo maya ano sabiyas! Bakit? Mapapaso. Kaya dapat naka ganyan o naka layong ganyan. Ay nandito pero naka ganon naman. O naka ganyan. Magiging bakekang kayo. Ha! Kaya naka ganyan. Sisindihan ito nakapikit ang mata nyo. Nakapikit ang mata mga Anak, dalawang mata hindi isa. Kailangan dalawa. Pagnakita ko kayo na hindi kayo sumusunod kahit natulak sa harapan ninyo, lalampasan ko kayo. Pag nilampasan ko kayo ibig sabihin hindi ko kayo babalikan at hindi kayo matatatakan. Sayang ang paghahataw niyo. Sayang ang pagod. Dahil hindi ka lang sumunod. Hanggat hindi niyo nadidinig sa tinig ko, Mga Anak maari na kayong dumilat at tignan niyo ako. Hindi kayo didilat. Naintindihan! Kahit maramdaman niyong lumilindol, hindi kayo tatayo, hindi kayo didilat. Kahit maramdaman niyong bumubuka ang lupa kinaluluhuran ninyo. Kahit maramdaman ninyo nandito na yong lupa, hindi pa rin kayo didilat. Maliwanag! [Children answer] Opo. [Ingkong] Ngayon! Para malaman mo, dahil habang nagpipikit, nandiyan ka pa rin. Tignan mo sino ang katabi mo? Magtinginan kayo! Para pagdilat mo mamaya tignan mo kung siya pa rin ang katabi mo. Baka iba na ang katabi mo. Naintindihan! [Children answer] Opo. Sino ang nasa kanan mo? Tanongin mo kung anong pangalan? Anong pangalan mo? Ha! Sa kanan! Alin ba ang kanan ninyo? Yong iba nakatingin dito yong iba nakatingin diyan eh. Tingin sa kanan! Tanongin mo na? Kuya Kuya, Ate Ate, anong pangalan mo? Ha! O hindi sa likod. Sa kanan. O ikaw naman, kaliwa ka naman tumingin. So kilala mo na ngayon sino sa kaliwa mo kung sino sa kanan mo di ba? Namumukaan mo yan! Sige! Tingin sa kanan!Sabihin mo, “Magbago Ka Na”. O tingin naman sa kaliwa! Sa kaliwa mo sabihin mo, “Ikaw rin, magbago na rin”. So pareho kayo nagdadasalan. Pareho kayo mabait sa isa’t isa di ba? Ang mangyayari mamaya, pagluhod ninyo, pipikit ninyo ang mata ninyo. Pag hindi ko sinasabi didilat, hindi didilat. May papatak na tubig sa inyong mukha. Dahil tatatakan kayo. Saan kayo tatatakan? [Children answer] Nuo. Ha! [Children answer] Nuo. [Ingkong] Sa Nuo. Saan ang nuo? Ituro! Ito, sige nga, sabay tayo, nuo, nuo, nuo, nuo ganon ha! Sundan ninyo ako! nuo, nuo, nuo babae’t lalake nuo, nuo, nuo, nuo, nuo, nuo, nuo, nuo, nuo, nuo. [Children laugh] Ha! Pag nuo, nuo, nuo, nuo, nuo, nuo, nuo, nuo, nuo, nuo, nuo, nuo walang sumusunod eh. Kaya diyan kayo tatatakan. Pag narinig niyo na ang boses ng Ingkong, malapit na sa inyo, naka ganyan kayo, ititingala ninyo ang inyong mukha. Para dito kayo matatakan. Kasi kapag naka yuko kayo. Dito kayo sa batok tatatakan. Mawawalang bisa yan, mawawalang saysay. Dahil nakasulat sa Santong Kasulatan, “Mga taong naka pila, lahat mayron kanlong sa ulo, babae’t lalake”. Mayron nakikitang krus dito. Ay kung krus mo nandito sa batok. Tatakpan na yan. Aalisin ka na ng Anghel ng Dios. Dahil wala ka rin tatak sa nuo. Kaya kapag naramdaman mo na malapit na sa iyo ang Ingkong, magtatatak na buhat sa pakikinggan mo ang tatak na ibibigay sa iyo. Itaas mo ang nuo mo para dito ka mabuhasan ng tubig, diyan ka malagyan ng krus. Pag buhos ng tubig sa iyo paglagay ng krus, ibinubukas ang buo mong pagkatao. Tinatanggal ang kasalanan mo at pinapalitan ng kabanalan. Naintindihan! Pag natapos yan babalikan uli kayo ng Ingkong. Kakanta na ang Choir ng Kristus Vincit, Kristus Regnat, Kristus Imperat. Doon naman puputungan kayo ng Ingkong sa inyong ulo. Naka ganon pa rin kayo. Isasarado niya yong ibinukas niya. Para yong taga langit at taga lupa magkasama sa isang katawan. Sa katawan ninyo. Naintindihan! [Children answer] Opo. [Ingkong] Nakahanda na kayo? [Children answer] Opo. Saan kayo naka handa? Sige! Alam niyo na? Pag nilampasan ko kayo, hindi ko kayo binuhusan ng tubig. Hindi ko kayo pinutungan ng kamay. Ibig sabihin sorry na lang. Better luck next time! Pag pikit ninyo, ano naman ang gagawin niyo? Ha! Bukod sa tingala ano ang gagawin sa sarili ninyo? Magdarasal, magsisisi ng kasalanan. Kausapin ninyo ang Dios sa sarili ninyo. Hanapin ninyo ang Dios sa buhay niyo! Dyan kayo humingi ng tawad sa maliit, malake nagawa niyong kasalanan. Sa kasalanan nagawa ninyo sa Anak ninyo. Magulang na kayo sa Asawa ninyo. Kung may Pamilya na kayo. At kung kayo mga bata, sa Mother niyo, sa Tatay niyo, sa Kapatid niyo, sa kalaro ninyo. Tandaan ninyo, bawat pagbabanal, hindi kumikilala ng edad. Bata o matanda pweding magbanal. Ha! Ave Maria Purissima! [Children answer] Sin Pikado Con Su Vida [Ingkong] Nakahanda na ba kayo? [Children answer] Opo! [Ingkong] Kaninong kandila ito? Sige! Bago kayo tatakan, tumayo muna ang lahat. Aayusin ang pila ninyo. Ayusin ang pila. Magtabi tabi kayo. Mga Apostol ano na? Yong Maria ayusin lahat yan! Yong kamay! Huwag munang naka ganyan, kasi yong kandila hawakan sa kanan. Sa kanan na kamay hawakan ang kandila. Kanan lang muna. Kasi mag e exercise pa kayo. Ha! Kasi ang tagal ninyong nakaluhod, ang tagal niyo rin nakaupo kanina. Masakit na balakang niyo, masakit na tuhod niyo, masakit na ang katawan niyo. Bago kayo lapitan ng Ingkong, masigla kayo, maayos kayo. Mag exercise kayo! Pati yong mga may tatak na, mga Hiyas De Maria, lahat diyan sa likod. Sabay kayo sa sayaw. Sabay kayo sa exercise. Lalo na yong may nararamdaman kirot sa katawan. Habang sumasayaw kayo, nagpupuri kayo sa Dios. At dinadasal niyo sana yong nararamdaman ninyo mawala. Ready na ang Choir? Karmelo! Kailan pa tawagan ito. Clast clast mo ha! O susundan niyo si Karmelo ha! Yan si Juan Karmelo! Kahit anong gawin niya! Ha! Susundin ninyo, bata, matanda susunod. Maliwanag! Aawitan kayo ng Choir. Sige! Choir 123. [Choir sung Magexercise tayo twing umaga] [People clap their hands] [Ingkong] At dyan kayo magaling! [People laugh] [Ingkong] Ready na kayo! [Children answer] Opo. [Ingkong] Sige. Pwede na kayong lumuhod na maayos. Hawak ang kandila sa dalawang kamay at ilagay ito sa dibdib. Kahit kunin ang kandila, huwag didilat ang mata at huwag babagohin ang kamay. Naka ganyan pa rin sa dibdib, hangga’t hindi sinasabi na idilat na ang mata. Yan pa rin ang porma ninyo. Utusan man kayo ng umusod, umurong at mag move forward, laging ganyan nakapikit ang mata. So pikit na ang mata mga Anak, bata matanda, lalake, babae, pikit na ang mata. Ngayon magdasal kayo, magsulit kayo sa akin. Kausapin ninyo ako. Ihingi ninyo ng tawad ang lahat ng mga pagkukulang at pagkakasala ninyo. Wala kayong sasabihin sa akin na hindi ko malalaman. Aawitan kayo ng Choir. Hayaan niyo ang Espiritu ng Dios ang gumala sa inyo. Choir kanta. [While Choir sung “Sa Lumang Krus”] [Ingkong speak in Latin] Mga Banal, doon sa Bayan ng Padua, lahat sila De Padua diyan. Yong mga kandila hindi naka ayos. Sa panalangin ninyo ay ipinapanalangin kayo niya sa inyong pagsisisi. Huwag kayong mahihiya.
END
2007-09-29 MESSAGE OF BELOVED INGKONG AT EDSA (AFTER TATAKAN)
2007-09-29-B(after-tatakan).MP3
Ingkong: Ave Maria Purissima! Huwag kayong aalis hanggat hindi kayo nakapagmimisa. Ito ang Misang Pasasalamat ninyo na nagkaroon kayong pagkakataon na marinig ninyo ako, makaharap ninyo ako, mahawakan ninyo ako. Hindi lang kayo ni rerequire mag misa bago po gumanap ang Ingkong. Pero ni rerequire nang lahat, may tatak man o wala, basta nagnanais lumapit sa akin. Kinakailangan dumaan sa pagngunumpisal. Yan ang mga daan, biyaya sa inyo sa paguugas, pagbabalik loob ninyo sa Dios. Tandaan ninyo, wala kayong magagawa ano man lakas ninyo, ano man yaman niyo, ano man talino ninyo pag malayo kayo sa Dios. Ngayon ano man kahirapan ninyo, pagkukulang ninyo kung ang nangunguna sa buhay niyo ay Dios may mararating kayo, may magagawa kayong maganda. Kaya sa punto na yan kung pinaglingkuran kayo ng Dios, magpasalamat kayo. Sa pasalamat na ito at sa la MIsa, tatanggap kayo ng biyaya ng Dios mula sa mga pagbasa na salita ng Dios. Tatanggap kayo ng biyaya sa Dios sa pamamagitan ng Communion. So aalis kayo dito sa dambanang ito na bitbit ninyo, daladala ninyo ang Dios. Ibahagi niyo ito sa kapwa ninyo sa uuwian ninyo. Lagi ninyong isipin may Dios na naghihintay sa inyo na sa kabila ng lahat ng pagkukulang, kasalanan, kahinaan.ninyo. Pinaglingkuran kayo ng Dios. Kaya sa susunod pang pagkakataon, kung nais ulit kayong paglingkuran! Bumalik kayo. Kayong nagiisip pa! Magpapatatak na ba ako? Huwag ka nang magisip! Magpatatak ka na! Dahil baka maging huli pa sa iyo ang lahat. Baka itatak sa iyo oxo, sige sige. Imbis na tatak ng kabanalan, tatak sa preso. Samantalang kung may tatak ka, gagabayan ka nito. Nakakaisip ka nang gumawa ng masama, matutukso ka na maari ka pang iligtas ng tatak mo. Ay pero kung tatakbuhan mo ang Ingkong, hahanap ka ng sandalan, ng kanlungan sa mga barkada mo, mga dati mo ng makajaming sa inuman, kakwentohan at lahat. Pagkat tumalikod sa Dios. Harapin mo ang Dios, kahit hindi ka pa naka handa handa handa. Wala naman taong talagang handa handa handa handa handa eh. Di ba? Papano niyo mapaghahandaan ang Dios? Pero sa kakulangan ninyo, kahinaan ninyo uunawain kayo ng Dios. Dahil Anak kayo ng Dios. Mahal kayo ng Dios. Ang tanong. Mahal mo rin ba ang Dios? Iniibig mo rin ba ang Dios? Kung iniibig niyo ang Dios, susunod kayo. Magpapagiya kayo sa Dios, magpapagabay kayo. Mayron nga diyan noon, kamaganak pa ng inyong Mamang. Naligtas ang buhay sa kapahamakan, sa kamatayan. Itinira yong kanyang sarili doon sa Sacrifice. Na kung gumaganap ang Ingkong at siya ay nagsasalita, “Ang buhay ko’y sa iyo, akoy maglilingkod hanggang wakas ng buhay ko”. “Lahat ng lakas ko’t natitira ko pang mga taon ibibigay ko sa iyo”. Tapos dumating ang subok, dumating ang bagyo, dumating ang dilubyo. Sa mga estudyanteng Sacrifice. Sabi sa inyong Mamang, “Nagpapanggap ka lang bilang Dios”. “Aarte arte ka!” “Inaangkin mo ang hindi sa iyo!”. Anong araw ito? Mula nong gumanon siya! Nawala na siya sa hulog. Nawala na siya sa pagpapala. Pati sarili niyang anak sa lima niyang asawa, itinakwil na rin siya. Eh parang busabos siya. Anong ibig sabihin, nong nandoon siya sa Ingkong, lahat ng mga Anak niya sa iba’t ibang babae. Tinuturing siyang Ama, ginagalang siya at lahat. Pero tinakwil niya ang Ingkong, tinakwil na rin siya ng sarili niyang mga Anak. Hanggang sa namatay siya walang kagampanan, walang kaligayahan. Kaya kayo pinaglilingkuran ng Dios, huwag na huwag kayo magsasalita pagkatapos iiwanan ninyo, tatalikuran ninyo ang salita ninyo. Tulad ng isang isang Mayor ng Romano Katoliko dyan mismo sa bayan ng Hermosa. Na kung sa unang kaganapan ng inyong Ingkong, ng inyong Mamang ay nagrerector pa sa Kursillo at saka sa mga recollection sa Romano Katoliko. Ginawa ang sa recollection sa Simbahan mismo sa Hermosa, doon sa San Pedro de Manona. Sasabihin sa pagdarasal ng inyong Mamang doon sa side altar. Nakasilip doon ang Sakristan Mayor. Nakita niya mismo sa mata niya. Nakaluhod ang inyong Mamang. Binalot ng inyong Mamang ng Liwanag habang nakaluhod. Tapos itinaas siya ng Liwanag mula sa lupa.habang siya’y nagdarasal. Nakita ito ng Sakristan Mayor. Sa gitla niya, sa gulat niya, sa kamahan niya tumawag siya ng ibang kasamahan niya upang ituro para yong nakita niya mapatotohanan. Nakita naman ng ilan. Mula noon pinagsasabi niya, “Si Mamang Biring talagang pinagpala ng Dios”. Si Mamang Biring talagang ginagamit ng Dios. Dahil kitang kita ko! Hindi niya alam nandodoon ako sa likuran at tumawag pa ako ng tao. Tapos salita ng Pari na Romano. Pinagalitan, sinabihan, “Kapag hindi mo binawi ang pinagsasabi mo, tatanggalin kita bilang Sakristan Mayor”. “Wala kang pera mula sa Simbahan”. Mas ginusto ang trabaho, mas ginusto yong pera. Natakot sa pari. Hindi natakot sa Dios. Binawi ang mga sinabi, nagbibiro lang daw siya. Nanloloko lang daw siya. Wala siyang nakitang iniangat mula sa pagkakaluhod. Nagsisinungaling lang daw siya. Paano yong mga tinawag niya na nakakita. Sabagay hindi naman pinagsabi ng mga pari yon dahil hindi naman sila nagtatanong sa Simbahan. Dapat sinabi niyang wala siyang nakikita at nagsisinungaling lang daw siya! Lumuwa ang kanyang mga mata. Huli na noong humingi siya ng tawad. Nang lumuwa ang kanyang mga mata hindi bumilang hindi lumagpas ng baente kuatro oras (24), namatay yong tao. Gusto ba ito ng Dios na mangyari? Ayaw ng Dios yan! Pero ang tao ang naghihiling na ganito ang mangyari sa buhay nila. Gusto ba ng Dios na mapunta tayo sa Empierno? Hindi! Kaya nga may Kristong napako sa Krus. Nasa kapangyarihan niya, kasing makapangyarihan siya ng Ama at Espiritu Santo. Sa palakpak lang ganyan mababago niya ang takbo ng mundo, sa kisap mata sa pitik ng kamay. Pwede naman hindi siya magpapako. Pwede naman hindi siya mamatay sa Krus, magpasan ng mabigat na Krus na kasalanan ng tao, alimurain, tadyakan, duran, hagupitin. Pero sumunod siya sa Ama, dahil mahal niya rin ang tao. Gagawin ba niyan ng inyong Panginoon ni Kristo na tagapagligtas kung aayaw pa. Wala siyang magagawa. Ako man sa inyo, sabihin ko man, “Mahal Kita!”, “Iniibig Kita”. Aalis ako hindi ko kayo iiwan. Ano mang baga kahit saan ako magpunta, ang aking Espiritu laging nakatunghay sa inyo. Na alam ko ang gagawin mo. Na matapos ka rito, paguwi mo magkakasala ka, gagawa ka nanaman ng masama. Na alam mo nalalaman ko ang lahat ng bawat isa lang paghiwalay mo sa aking pagbabanal ay parang matalim na balaraw na sumusugat sa puso ko. Maari kitang parusahan sa oras na iyon, maari kitang gawin bato, maari kitang kunin sa daigdig na ito. Pero tatanggapin ko na lang ang balaraw sa pagtalikod mo sa akin. Sa kabila ng paglapit mo, humingi ka ng tawad. Sa pagkakasala niyo ba’y hindi ko nalalaman? Malaki akong mata nakatunghay sa inyo! Pero iiyak na lang ang matang ito dahil nalulungkot siya. Pero wala siyang magagawa. Nasa kanya man lahat ng kapangyarihan, bilang Dios, hindi niya pa rin gagamitin na hintayin niya na ikaw anak niya na kusa malaman mo ang pagkakamali, magbalik loob ka, magsisi ka, mangumpisal ka. Yon ang kinaliligaya ng Dios. Sa sarili niyong kusa, sarili niyong laya. Bagamat hindi kayo perpekto susuntukin niyo ang sarili ninyo. At ang mahalaga ang pagibig ng Dios ay subukan mong manatili ka sa biyaya niya. Mababago ang takbo ng buhay mo. Huwag na lang alang alang sa iyo sapagkat mayron diyan, matitiis niyong magdusa ang katawan ninyo pati na ang kaluluwa. Kalayaan ba yan? Pero alang alang sa Anak mo! Alang alang sa mga nagmahal sa iyo. At malayong manggagaling sa iyo. Pagisipan mo! Kung iiwan mo ang Dios o kakampi ka sa kaaway ng Dios. Ano ang ipapangako sa iyo ng kaaway ng Dios. Kaunting kaligayahan! Kaunting salapi, kaunting laman! Pagkatapos habang buhay na kaparusahan! Anak ng Dios umiiyak, Ina ng Dios nagdudugo ang puso sa pagmamahal niya sa iyo nong tinalikuran mo. Wala siyang magagawa dahil ikaw ang nagpapasya. Ang Papang niyo! Dapat nakikita niyo ngumingiti, na kayo sa sakit niyo dumadaing kayo. Pero kung alam niyo lang, mas higit ang karamdaman ng inyong Papang. Dahil sapagkat wala akong magagamit na iba kundi lamang siya. Pinaparaya niya ang katawan niya, ang sarili niya. Ang mata niya! Sumakit? Hindi! Lumabo’t lumiwanag, na nagbabadya na maari nang mawalan ito ng paningin, mabulag. Matatanggap ba ng Papang niyo na maging bulag siya? Anong gagawin niya kaya? Kung mawalan na siya ng paningin! Halos isang buwan na hindi pa siya nagpapagamot. Hindi pa siya pumupunta sa specialista niya sa mata. Para e laser surgery ang mata niya. Pero hindi siya tumitigil sa lahat ng mga tungkulin niya sa Simbahan at sa inyong Pamahalaan. Kung mabulag siya? Hindi niyo ba nanaisin mamatay na lang? Pabayaan niyo pa kayang magamit ko siya? At kung bulag siya papano ko siyang gagamitin? Pero hindi kayo nakakaisip na hanggang na inyong pananampalataya ay nasa ganyan ng estado. Kung papano ang kanyang Mahal Na Ina ang Mamang niyo rin. Ang Santa Maria Birhenia umabot din sa ganyan. Makailan beses ipinasok sa ospital. Dialysis dito, dialysis doon. Ang buong katawan ay nagkaroon ng sugat sa pagturok turok ng karayum para sa dialysis. Pero patuloy parin mga tinatakan nagkakasala. Nagiging makasarili, imbis na lumapit siya sa Dios. Napatibayan na ito, noong kinuha na siya sa lupa. Maraming tinatakan ang tumalikod sa kanya. Sumama na sa ibang Simbahan! Nagkaroon na ng ibang pananampalataya, nang kaganapan na taliwas sa nakagisnan nila. Nais ng Papang niyo mabuhay pa siya ng mahabang panahon. Nang dahil sa sandaling kunin na siya at wala na siya sa lupa. Wala na kayong Ingkong na maririnig. Wala na kayong Ingkong na maglilingkod sa inyo. Lahat ng biyaya padadaanin na lang sa Sakramento ng Simbahan. Sa pagpapala ng Simbahan. Wala nang tatatakan. Wala nang magtatatak sa nuo! Wala nang Ingkong na gaganap na ganyan. Kung mayron kayong malaman nagpapanggap lang yan at hindi mamarapatin. Sapagkat katutuhanan, hindi naman habang panahon nakipag ugnay si Yaweh kay Moises. Hindi rin habang panahon na si Hesus ay kapiling ng kanyang mga alagad, mga Apostoles. Tutoo rin hindi habang panahon ay makakasama niyo ako, kayong mga Tinatakan. Pero sa bawat yugto ng pagganap ng Dios may iiwan siya ng kapamaraanan. Hindi man tunay na perpekto pero may Simbahan. Sagisag ng kanyang pagibig, sagisag ng pagliligtas sa tao. Aabot kaya ang Papang niyo sa edad na ochientay dos (82)? Na kung saan ito ang gulang ng inyong Mama. Na kinuha siya sa lupa. May mga pagkakataon, may karamdaman siya, hindi maaaring gumanap ang kanyang katawan lupa. Narito ang Bata ang una kung pinagsimulan. Narito si Juan, narito si Papang ginagamit ko. Ngayon nagiisa na lang si Papang. Sino ang mas may mabigat na pinapasan? Hindi ba mas mabigat yong sarili pinaglingkuran niya. Yong halos iba diyan yong anak anak niya na pinakain sa palad niya. Sa kanya lumaki nakapagasawa ang siya mismo humatol sa kanya. Tumalikod sa kanya. Yang Sacrifice Valley na yan! Ano ba yan noong una yan? Tinungtungan ng paa ng inyong Papang! May Simbahan na ba yan? May kalye na ba yan? May bahay bahay na ba yan? Wala! Doon sa komprohan siya nagsimula! At mula sa komprohan dinadayo na! Dyan na tanyag ang inyong Papang! Nandiyan ang Anak ni Mamang yong galing sa Ateneo yong Siminarista, yong makinis ang mukha namumula ang poge poge! Na halos lahat na kasapi, “I Love You Pang”. Yong papa diyan, pinapasok siya sa kuwarto! Pumupunta sa ilalim ng kulambo! Nagmimistulang ahas! Inaagapay siya pagkatapos niyang maligo. Kasi ang bango bango. Diyan nagsimula ang lahat. Pagdating ng inyong Papang diyan! Tatlumput pitong (37) drug addict sa inalagaan niya. Iniwan niya ang kanyang pagiging pinaka batang milyonario ng Ermita. Limang negosyo, dalawang trabaho. United Laboratories, Department of Tourism, tapos mga negosyo niya. Tapos sumunod lang siya sa akin at inagapayan niya ang kanyang Ina. Ngayon iniwan na siya ng kanyang Ina. Mas mahirap! Tinalikuran pa siya ng sariling mga kapatid niya! Ngayon unti unti ang ilan nagbabalik loob. Nakakakita ng liwanag, dahil ang ibig din nila tulungan sila sa pagganap. Sino na lang ang aasahan ko? Hindi lang ako didibende. Kanino dapat umasa ang inyong Papang sa kalagayan niya? Tandaan niyo anoman karamdaman niya, kung kinakailangan siyang magbiyahe pumunta sa Visaya, pumunta sa Mindanao, maglakbay sa ibang bansa, harapin lahat doon at maglingkod. Ipakilala ang Simbahan ninyo at iba pang gawain. Ginagawa niya. Hindi siya natutulog ng maayos. Mapalad kayo natutulog pa ng walong oras, siyam na oras, sampung oras. Ang Papang niyo makatulog yan ng dalawa, tatlong oras, mapalad na yan! Kaya nga may mga Juan, nakapaligid sa inyong Papang. Sila ang mga close thing, sila ang nakakaalam ng lahat. Alam nila mulang ulo hanggang paa ng inyong Papang. Tulad ng buhay ng inyong Mamang, nandiyan ang mga Maria. Nasa inyong Mamang na tumanda. Nagpapaligo sa inyong Mamang. Nagpapalit ng diapher at lahat. Yan naman ang kahalintulad ng mga Juan. Sana mga Juan na ito, makatulong, makapagsilbi, kaysa maging daan pa ng iba pang suliranin ng inyong Papang, paghihirap ng puso at hilo ng kaisipan. May nangyari na si Felizardo, Theresa. Juan yan. Tinanggal dahil umiibig, hindi mabuti. Sana sa kasalukuyan Juan, wala nang matanggal sa inyo. Sa kasalukuyan mga Families, wala na rin matanggal sa inyo!. Kayo mga Apostoles sana at kayong gumaganap. Pero mga Maria, may mga problema pa ang inyong Papang sa inyo, hindi naman sa lahat. Maria! Mayron doon nagsisimba sa kabila! Bakit gumanap pang Maria? Nagpatatak ng Maria. Imbis na makatulong gumanap! Katisuran! Ave Maria Purissima! Maari na kayong lumuhod. Kinakailangan na magpahinga ang inyong Papang. May isang linggong gagawin ang ACC, ang mga Obispo na manggagaling sa Amerika. Nandiyan sa North Amerika at sa ka sa Canada.ay magdadatingan sa araw ng madaling araw linggo. US pagsisimulan ang paguusap, ang pagpupulong ng mga Obispo at mga Auxilliary Bishops, Presidente ng Kaparian. Ang tawag diyan ay Synodo. Synodo. Magdidicision, magpapasya, magkakaroon ng recommendasyon sa Papang ninyo bilang Patriarka ang pinaka ultimatum na pagpapasya. Ipanalangin ninyo na magkaroon ng kalinangan, magkaroon ng pagkagabay, magkaroon ng katuturan. Ang laki ng ginagastos ng Amerika, makarating lang dito. Isang linggo lang sila rito, sila pa ang magbabayad ng SVD sa Tagaytay para pagpulongan ng tatlong araw. Habang nagpupulong ang mga Obispo, Arsobispo, mga Auxilliary Bishops at Presidente, ng Diakono o ng Pari. Dapat kayo naman na nandirito manalangin kayo at gabayan niyo sila ng inyong mga dasal. Halimbawa ano man ang mapagpasyahan nila at magawa ay sa higit at ikabubuti ng bawat isang Tinatakan. Kaya mga Anak, ang Simbahan ninyo ay Buhay na Simbahan, nakikita ang pagpapala ng Kamay ng Dios. Maraming Simbahan ngayon wala nang bokasyon. Wala nang papasok na nagpapari. Wala ng nagmamadre. Yong mga nagpapari nagpipito villa pa.yong mga nagmamadre lumalabas pa. Na kung hindi sa lahi ng Bagong Herusalem ng Pilipino sa ibang bansa, wala na sana. Pero sa lahi na ito sumusulpot na rin ang iba’t ibang relihiyon, mga kanggaro churches, mga Simbahan patalon talon. Ang bigat ng tawag sa sarili Obispo! Nasaan ang Simbahan mo? Nasaan ang Mission mo? Sa Payatas! Nasaan ang Simbahan mo? Bawe na! Nasaan ang Meyembro mo? Yong Asawa at Anak at saka yong kumpare. Obispo! Ang Obispo ay may Apostolic line of succession. Mula kay Kristo, paglalagay sa mga Apostol. Sa Apostol, isinalin salin sa iba’t ibang Obispo. Kaya tinawag na Obispo. Pero hindi! Nakisama lang siya, [Ingkong Sung] “Aleluia Praise the Lord! Amen” Nag prepraising lang, binuksan ang Biblia! Yon! Ginawang Obispo ang sarili. Dati sa Amerika lang yan sa mga Nog Nog. Sa mga walang magawang mga puti. Para hindi mapalayas sa Amerika, ngayon nandito na! Marami nasasamahan ng inyong Papang. Minsan nagliliit siya. Kasi Prayle ang tawag. Bagay Prayle tomboy din yan! Archbishop, Metropolitan, ang laging kasama yong Asawa, wala naman miyembro, pero huwag ka ang husay sa Biblia! Ang husay mag ganon, ng sitas at lahat. Pero walang bunga! Self improach. Yan din ang nangyari sa KMU. Yong dating Arsobispo, Obispo ng inyong Papang na tinanggal. Ganyan na rin ang nangyayari. Yong Pari biglang nag Obispo. Wala nang succession. Parang Promil nang bigyan mo’y nag accelerate! Grade One nagging Grade Six kaagad. O dahil hindi umabot at dumaan sa talagang processo. Ano ang ginagawa? Kahit walang aral kahit ano! Hindi na pinadaan palad ginawa kaagad Monsignor. If the price is right! Sa gitna ng basketballan. Dinudusta ang dignidad ng Simbahan. Dinudusta ang dignidad ng Dios. Kaya may kinalalagyan na kaparusahan. Malapit na akong magtanong? Lalu na sa mga may tungkulin na ihaharap ko rito. Una yong unison bilang grupo na magdarasal ng Pater Noster. Latin. Yan ang Ama Namin o Our Father. Subalit Minamandato ko na gawin niyo sa makapangyarihan salita.na tunay na Latin. Hindi yong binubuhol! Na marami diyan, para makaiwas lang sa kagat ng ahas! Heto basahin mo, makaiwas ka diyan sa kumukulam sa iyo, heto basahin mo. Heto ganyan, egusum empaktum, egusum empaktum ang ibig palang sabihin. Sa katuturan paalisin ang impakto. Hindi yon paalisin ang impakto. Kasi sarili yong tinatawag niya. Ako ang impakto, ako ang impakto. Pinagsamasamang Kastila, na may halong Visaya, na may halong Kapangpangan. Ipinasusubo sa tao. Pinalalagay doon sa paanan ng mga rebolto. Nakapastil na diyan mga Kapatid, mga Anak ang Pater Noster. Ginawa na nga itong proyekto ng mga Auxilliaries. Kung saan sa likod ng litrato ng inyong Papang, nandodon naka imprenta ang Pater Noster. Na pwede niyong ilagay sa mga lukbutan ninyo, sa bulsa ninyo, sa wallet ninyo. Para sa ano? Magbigay protection! Ano ba ang pinakamatibay na dasal na tinuro mismo ni Kristo? Kundi ang Ama Namin. Na kung ikaw ay kukunin ng Dios bukod diyan sa pagsisisi, madasal mo Ama Namin. Kung sa Mama niyo para bumalik ang kanyang consciousness o ulirat niya, nagdarasal kayo ng Virginia - Virgin Maria Incarnatus Rex Sanctipater Governatus Ilium Nomini Ingkong Anima Sola. Alangan naman ang Papang niyo dasalan niyo ng Virginia. Noong pinayagan kayo, Ama Namin, Aba Ginoong Maria at saka Luwalhati. Pero ngayon binibigyan na kayo ng pagkakataon.para masaisip niniyo at masaulo ninyo bago paman kayo mamatay at kunin sa lupa. May dasal kayong alam na memorise. Eh hindi ako nagaral! Kahit hindi ka nagaral, kung lagi lagi mo itong nadidinig. Lagi lagi mo itong pinipilit na malaman pagdating ng panahon alam mo na ito kahit natutulog ka, malalaman mo ito.Sino ang nakakaalam sa inyo? Taas ang kamay! Pater Noster! Alam mo na! O kabisado mo na! Sa mga Juan sino ang nakakaalam? O kailangan basahin niyo pa! Sa mga Apostoles na Pari, sa mga Monsignor, Obispo. Ay kung dumating ngayon ang pagbibigay daan na ibalik ang ulirat ng inyong Papang. Hindi ninyo magawa! Hindi nyo maibalik! Ay tuloy na doon kung saan siya kinalalagyan. Wala na kayong Ingkong. Wala na kayong Papang. Bakit yong nauutos sa inyo, taasan minmandato kayo, hindi ninyo ginagawa, sinusuway niyo! Papano pa magtatagumpay ang Dios sa inyo. Papano pa aasa? Sabi nga ni Kristo, “I’am counting on you”. Kayong mga nag Kursilista yon din ang sinasabi! “Umaasa ako sa inyo”. Kailan niyo mamememorise yan? Kahit sa banyo pagupo niyo may hawak kayo niyan! Pater Noster qui es in caelis Sanctificetur Nomen tuum. Mahirap ba yan? Kung minamahalaga ninyo paguukulan ninyo ito. Hindi lang kaligtasan ng kaluluwa mo kundi para maayos makabalik ang inyong Papang.para makapagpahinga.para sa ilang pagkakataon gamitin na naman siya.ng Ingkong at muli na naman namin siyang matawag pabalik. Ilan linggo ang kailangan ninyo? Bandang huli isa isa kayong magsasalita dito. Tinatawag lahat nandiyan na ang interpretasyon, nandiyan na ang literal translation. Pater Noster - Our Father; qui es in caelis – who art in heaven. Ay yon Virgin Maria Incarnatus Rex Sanctipater. Kung hindi pa kayo binigyan ng inyong Papang ng meaning yan. Dahil siya naman nagtuturo ng tunay na Latin.sa Collegio na approbado ng Ched. Alam niyo ba yon? Dumating kayo sa punto ng Amemamia. Lahat tinuring niyo – Ama, Birhen Maria, Ingkong at lahat. Pag uwi sa piling nito, ang Espiritu na ito sa akin. Lahat ng papuri niyo, inilagay niyo sa sarili ninyo. Papano mabubuhay? Maibabalik ang Espiritu ng inyong Mamang. Lahat ng papuri nito hindi pala sa Dios. Kundi sa sarili ninyo. Ano ang ginawa ng inyong Papang. Binago, tinuro sa inyo. Embes na Amemamia – Anima Sola lahat. Yan ay iisang Espiritu. Espiritu yon ng Dios. Kung papano ang Papang niyo nagligtas kay Imelda Marcos. Doon sa kanyang mga bisita. [Ingkong speak in Latin] “Vox Populi, Vox Deo”, sabi niya, “Mali yon”. Mali ang O dapat Genetive eh advertive ang ginawa niya. Kaya tinawag ni Papang niyo si Imelda sa isang sulok. Inay alam ko po magandang pakinggan. Yong ibig niyong mangyari Vox Populi, Vox Dei hindi po Vox Populi, Vox Deo may i yan Genetive case. “Ang tinig ng Mamamayan ay tinig ng Dios”. Vox Populi, Vox Dei”, “Ang tinig ng mamamayan” Populi – “Nang tao” ay tinig ng Dios - Vox Dei – Tinig ng Dios. Alam ng pasasalamat ni Imelda. Hindi alam ng Papang niyo kung gaano niya katagal ginagamit ang ganitong salita. Nang bawat makarinig pala kung nakakaintindi tinatawanan siya. Sino ang taong naglakas ng loob na ituwid sa maayos na pamamaraan.para iligtas siya. Sa inyo maraming nagmamagaling! Dapat ang Sin, hindi [Ingkong Spell] CIN dapat [Ingkong Spell] SIN. Hindi SU dapat SE. Dahil yon daw ang nababasa nila. Eh marunong pa kayo sa Dios. Sila SE noon, ngayon SU. Kailangan pang ipaliwanag pa sa inyo! Yong lumang kastila [Ingkong Spell] SIA pero sa ibig ng Ingkong Con Su Vida – Sa Kanyang Buhay. Noon sa Kanyang Paglilihi. Sa Concepcion – Concieve Conciva. Iba yong paglilihi dito naman sa nagkaroon walang bahid dungis kasalanan. Once She was being concieved o mismo sa buhay niya. Kinunsive na siya? Inianak na siya? Lumaki siya nagdalaga naging Ina. Namatay, may kasalanan ba siya? Pinalalim ng inyong Ingkong ang papuri sa inyong Mahal Na Ina. Hindi na the moment of Concepcion. Yong sinasabi ni Pablo, dahil ang tao ay alam ng Nanay at ng Tatay ng dalawang uri ng similiang nagsama at yan ay gawa ng hayop. Walang ipinanganak na walang kasalanan. Kaya nga may original sin. Kaya binibinyagan. Pero natatangi ang inyong Mahal Na Inang Birhen Maria. Done with a single business She would carry on her womb. Ang Kristo ang manunubos mula pa noon hindi pa siya isinisilang. Iningatan na siya ng Dios. At yan din sa kanyang pagiging Imakulada Konsepsyon ang siyang magliligtas sa sanlibutan. Sa harapan ng Dios Ama. Kaya huwag magmamagaling! Kung may katanungan, one text away lang si Papang! One knock lang doon sa pinto, kausapin! Hindi kayo kayo tsu tsu tsu tsu, tsu tsu tsu tsu tsu tsu tsu tsu. Akala niyo bay may maitutulong yong bulungan. Akala hindi alam ng Ingkong yan. Alam lahat yan! Ay kong yong palang concern bakit hindi mo deretstohin! Paano sasagot ka! Hindi parang ang galing galing mo! Binabasa mo lang! Nabasa mo lang! Ay alam mo na ba ang katuturan? Tulad – Aba Ginoong Maria! Ay bakit ganyan babae si Maria bakit Ginoo. Ayaw mong Ginoo ay di gawin mong Ginang. Aba Ginang Maria! O may nawawala ba doon? Ay di ba Ginoo sa lalake lang? Ay bakit noong unang panahon sa salitang Majestrate! May babae, lalake ba? May gender ba diyan? Mapa lalake mapa babae pweding Majestrate. Dyan kinuha ang salitang Ginoo! Alam mo ba yan? Hindi mo pala alam eh! Bubusabos busabos ka! Kung ano yong ginagawa mo? Kung hindi mo matanggap nais mong makipagtagisan! Sa palagay niyo ba bilang Dios, bilang Ingkong papayagan ba ang mali na kumalat na manatiling mali? O itutuwid! Itutuwid! Ay bakit pinangungunahan mo? Ave Maria Purissima! [People answer] Sin Pikado Con Su Vida! Maari na kayong lumuhod mga Anak. Wala akong hinihiling sa inyo kung hindi magpakaganap kayo. Huwag na kayong magkasala! Ulitin ninyo ang magagawa ninyo. Maawain ang Ama ninyo sa langit. Alam niya ang pangangailangan ninyo! Manatili kayo sa kanyang pagkagabay. Sumunod kayo sa utos niya! Hindi kayo mamamatay sa gutom. Hindi kayo mamamatay sa uhaw! Hindi rin kayo mamamatay sa biglaang pamamaraan. Sa kalunos lunos na pamamaraan. Huwag niyong pakainin ang mahal niyo galing sa masama. Huwag niyong gagawin na mabuti ay pasasamain niyo pa! At ang kahinaan at kasalanan ninyo ay bibigyan niyo ng katwiran. Huwag Anak! Ibigay niyo ang galing sa Dios na hinihingi niya! At ipagkakaloob ng Dios ang ganang sa inyo! Na kailangan ninyo. Magkaroon kayo ng mabuting ugnayan mga Anak. Magsamasama kayo bilang sa isang pamilya! Isang Angkan ng Bayan ng Dios. Huwag kayong maglaban laban! Ipakita ninyo na kayo nga ay alagad ng inyong Dios ng inyong Panginoon sapagkat nabubuhay kayo sa pagmamahalan sa pagiibigan, sa pagkakaisa. Aalis ako hindi ko kayo iiwan. Kayong nakakaramdam ng mga sakit, alam niyo ang mga gamot. Buong nais kong binibigay ko. Yan pa rin yan. Huwag niyong paghinayanan ang pagbili kung ikagagaling naman at ikatutulong sa karamdaman niyo. Dios Ama ang magbibigay ng katuparan. Tanggapin ninyo ang aking pagpapala buhat sa Ama, Anak at Espiritu Santo. Hangarin ninyo mga Anak na madama ninyo ang init ng aking biyaya. Sandaling ito’y matanggap niyo, maramdaman niyo at masaksihan. Ibigay niyong papuri sa Ama. Usal ninyo ang Aleluia at sa kamay ninyo, [somebody is beginning to shout] ipahid ninyo saan man may sakit. Saan man sa inyong paglalakad. [Ingkong speak in Latin] [The shout is getting louder] [Ingkong speak in Latin] Aleluia, [People answer- Aleluia] Aleluia, [People answer- Aleluia] Aleluia [People answer- Aleluia]. Commentator pray the Our Father in Latin – Pater Noster, qui es in caelis, Sanctificetur nomen tuum. Adveniat regnum tuum. Fiat voluntas tua, sicut in caelo et in terra. Panem nostrum quotidianum da nobis hodie, et dimitte nobis debita nostra sicut et nos dimittimus debitoribus nostris. Et ne nos inducas in tentationem, sed libera nos a malo. Amen. [Commentator] Ave Maria Purissima! [People answer] Sin Pikado Con Su Vida [Commentator] Ave Maria Purissima! [People answer] Sin Pikado Con Su Vida [Commentator] Ave Maria Purissima! [People answer] Sin Pikado Con Su Vida [Commentator] Alleluia! [People] Alleluia! [Commentator] Alleluia! [People] Alleluia! [Commentator] Alleluia! [People] Alleluia! [Commentator make the Sign of the Cross] In nomine Patris, et Filii, et Spiritus Sancti. Amen.
Commentator: At atin po ngayon batiin ng maligayang kaarawan ang mga bagong basbas at ang mga miyembro nito. [Choir sung] Happy Birthday.
Commentator: Ave Maria Purissima! Paalala po sa lahat ng may candidates po para sa ating “Senior Noemi Look A Like Contest”. Ang first canvassing po natin ay sa October 5 dito po sa ating Edsa, sa ganap na 9 ng gabi. Ngayon po ang first canvassing po sa lahat ng mga candidates ng Senior Noemi Look A Like Contest. Para sa darating na Senior Noemi sa October 19. First canvassing po October 5 dito po sa Edsa 9 PM po. Salamat po. At paalala rin po muli sa mga candidates na wala pa pong pictures. So submit lang po ng bio data at 2 pieces of pictures – whole body and red folder. Maraming maraming salamat po.
Commentator: Ave Maria Purissima po! Muli po paalala po sa darating na linggo po ah ang Kursillo pang Kababaehan ay ah bukas oo nga pala sabado na po tayo ngayon. Bukas po mga alas quatro po ng hapon ang ating ah umpisa ng ating ah paginterview sa lahat ng dadalhin po niyo sa pag klase ng Kursillo. Ang lahat po ng ah kagawaran ng union ay maaga pa po dalhin po natin ang kung sino po ang magiging Rektora. P750.00 po ang Rektora po. Opo, so doon po sa candidates po natin ay P150 po ang bayad. Inaasahan po ng pamunuhan ng Kursillo na makakatulong po tayo sa panawagan na ito. Muli po Maraming Salamat.
Commentator: Muli po panawagan sa lahat ng mga Auxilliary. Twing Sunday po bukas. Ang Toka po natin dito sa Edsa may Mass po tayo at sa lahat po ng mga tinext brigade po sa inyo sa atin pong mga contribution. Ah makipagugnayan lang po tayo kay Hiyas De Maria Claire. Muli po twing Sunday all Auxilliary po ay required to attend ah Mass dito sa atin sa Edsa sa linggo po.
Commentator: Maryron tayong 15 minutes para ihanda ang ating mga sarili mga Auxilliaries para sa ating paghahandog sa umaga sa araw na ito. Kaya lahat po ng ganapan ng Auxilliaries isusunod natin ang Banal na Misa.
Commentator: Ave Maria Purissima! Ang Grand Choral po ay kung sino man mayron talent sa pagawit ay welcome po sa pagauudition at maging member ng Grand Choral para sa darating na Marian. Inuulit ko po sa lahat ng Region na mayron talent sa pagawit ay welcome po kayo sa Grand Choral para mag audition. Maraming salamat po. Hanapin lang po ang officers ng Grand Choral kay Apo Sotrolyo twing may ganapan po at every Tuesday and Thursday po ang practice. Every Tuesday and Thursday po pwede po kayong mag auditon.7 O clock in the evening. Marami pong salamat.
Commentator: Panawagan po mayron isang Nanay na nawala! Yong bata po nandidito naghanap sa inyo. Naka stripe siya ng black, orange, white at saka yong shirt niya blue and yellow. Yong Nanay nawawala po paki hanap na lang.
END
Verse of The Day
“ “You have heard that it was said, ‘Love your neighbor and hate your enemy.’ But I tell you, love your enemies and pray for those who persecute you, that you may be children of your Father in heaven. He causes his sun to rise on the evil and the good, and sends rain on the righteous and the unrighteous.” (Matthew 5:43-45)