Upcoming Events
Sorry, no events to display. You can add your own events by logging in fist and selecting Events from the User Menu
 
 
 
2007-08-24 Message of Beloved Ingkong at EDSA (Transcribed)

Play this media to listen to our Beloved Ingkong's message for all of us last August 24, 2007.

You can also download the file so you can share it with your friends and loved ones.

  • 2007-08-24.mp3 (21.5 MB) - Length: 1 hr 34 min & 4 sec


  • 2007-08-24 Message of Beloved Ingkong at EDSA
    Transcribed by: Apo Angelo De Alexandria (Benjamin Cayabyab)
    (Disclaimer: The publisher did not verify the accuracy of the transcribed contents)

    2007-08-24.mp3

    Ingkong: Gloria En Excelsis Deo

    People: Alleluhia

    Ingkong: Gloria En Excelsis Deo

    People: Alleluhia

    Ingkong: Gloria En Excelsis Deo

    People: Alleluhia

    Commentator: Sambahin natin ang Mahal Na Ingkong sa katawan ng Mahal Na Patriarka. Luwalhatiin ang Mahal Na Ingkong ngayon at magpakailan man.

    Ingkong: Pagpapala buhat sa Ama, Anak at Espiritu Santo

    People: Amen

    Ingkong: Narito ako mga Anak, sa unang bata na naging daan ng aking paglilingkod. Bilang Espiritu Santo bilang inyong Inkong. Walang katawan, walang buto, walang laman maglilingkod sa tao. Kaya gumagamit ng tao. Sa mura nyang edad na labing walo, habang siya’y nagaaral ng kanyang pagpapari sa Ateneo De Manila, University sa San Jose Major Seminary. Doon ko nasumpungan ang katapatan ng kanyang pananampalataya. Bilang isang matanda, nagpakita ako sa kanya at nagwika, “Anak maari mo ba akong tulungan?”. Ang sagot ng batang ito. “Kung hinihingi nyong tulong ay ikaliligtas ng buong mundo, gawin nyo sa akin ang nararapat”. Anot alam nya kung sino ako, samantalang matanda ang nakikita nya. Subalit ang Ama sa takda nyang kapangyarihan. Siya ang naglagay sa bibig ng batang ito nang sinagot nya. Kayat binuksan nya ang himala na mula sa kanyang pananaw nagbagong anyo ako. Mula sa pagiging matanda, akoy naging Kristong pinako sa Krus. Nooy sinigaw niya “Diyos Ko, Panginoon Ko!” At dahil doon, ipinahayag ko ang lahat ng pasimula. ng aking kaganapan bilang Ikatlong Persona ng Santisima Trinidad. Mula noon hanggang ngayon, naglilingkod ako. Lumiligid sa buong mundo. Inaabot ang mga kaluluwang dapat abutin. Pinatatakan ang dapat tatakan. Nilalagyan ng Krus sa noo bilang simbulo ng kaligtasan, symbolo ng kalinisan, symbolo ng Kabanalan. Sa pamamagitan ng mga Krus sa noo dyan makikita ng Anghel ng Diyos kung sino ang ililigtas nila, at dadalhin nila doon sa Korte ng Diyos upang sa pinal na pagkakataon ay papagtain ng Ama sa kanyang kanan upang pasimulan ang bagong lahi at ang bagong lupa. Mayron akong mga tinatakan noon pa man. Sapagkat katutuhanan binubuhay ang mga salita na “may nauunang mahuhuli at may mga mahuhuling mauuna”. Marami sa mga nauna ay sadyang mahuhuli at hindi na makakahabol pa. Sapagkat ang Krus nila sa noo na aking nilagay, sa katigasan ng kanilang mga puso naging kulay pula sa halip na puti at naging patiwarik o baliktad. Upang sila man ay makitang madali ng mga Anghel ng Diyos upang ilagay sa kaparusahan. Sapagkat dito pa man sa mundo, kumakalaban na sila. Nilalabanan nila ang kalooban ng Diyos. Nariaryan nagtayo pa sila ng sarili nilang simbahan! Kung saan walang pakundangan ginagamit pa rin nila ang aking banal na Pangalan. Pero ang Simbahan hindi ko minamarapat. Isa lamang ang simbahan na itinayo ko. Bilang Espiritu Santo, walang iba yan kundi ang “Apostolic Catholic Church”. Saan nanggaling ang Church of the Most Holy Trinity? Gawa gawa lang nila yan. Trinity, tatlong magkakapatid nagsamasama. Kapatid ng Batang ito. Mula sa Panganay, sa Gitna at sa Bunso. Hati hati ang lahat. Parang hamon dilubyo ayon kay Papang. Sa tawag ng ingit, sa tawag ng pagiimbot, dinaan sa mga kasalanan mga gawa, na hanggang ngayon ay nagtatahitahi pa ng mga salita, upang sirain lamang. Hindi ba sila nagbabasa ng banal na kasulatan. Magging mga protestante at iba pa, maging sa mga Koran. Nasusulat sila at talagang itinakda ng mga anointed ones. Mga tao na pagdadaanan ng biyaya ng Diyos na doon pa man sa langit. Bago pa nilalang ang langit at lupa, nakatakda ng gumanap yan. Sino ang tatalo dyan? Tulad sa inyong Mahal Na Inang Birhen, tulad sa inyong Panginoong Hesu Kristo, tulad kay Elias, tulad kay Enoc, kay Matusalem at Juan Bautista. Ang inyong pinakamamahal na Mama na siya ang pinaka the ultimate being a Covenant of the Spirit of Mama Mary. Sa kanyang kahulihuliang pagganap na Espiritu, na inyong Mahal Na Inang Birhen Maria at kahit kailan wala ng Maria pang gaganap. Sapagkat siya’y hinatulan ng Ama sa Krib (this word needs to be clariffied…). Pero marami pa rin nagpapanggap! Marapat pa rin nagsasabi, “Sumasakanila ang Mahal Na Inang Birhen”. Maging si Kristo nga inaangkin. Kristong Hari, Kristong nakapako sa Krus. Hindi nagsisipagaral, sapagkat wala sa kanila ang katalinuhan ng Diyos. Alam nyo bang mula si Kristo ang inyong Panginoon ay namatay, muling nabuhay at umakyat sa langit. Kahit kailan hindi siya gaganap. Pero binigay niya ang buong mundo sa pangangasiwa ng inyong Mahal Na Inang Birhen. Ang inyong Mahal Na Ina ang gaganap para sa Anak. Para ilapit ang tao sa kanyang Anak. Pero bakit pa rin may nagsasabi, sumasanib sa kanya ang Espiritu ni Kristo. Samantalang pag parito ni Kristo sa pagkakataon ikalawa, walang iba kung hindi paghuhukom na ng mundo. Hindi siya darating bilang isang bata sa sabsaban kundi bilang isang Hari, isang Pari, isang Hukom, na maghihiwalay ng kambing sa tupa at ang tupa sa kambing. Marami ang nagpapanggap, marami ang nagsasabi, pero kung talagang wala sila sa hulog ng Diyos at hindi minamarapat ng Diyos ang kanilang ginagawa. Makikita nyo sa kaganapan nila mayron mayron at mali, may makikita at mapupuna kayo hindi tama. Sa pagsunod sa Santong Sulat, pagkakaroon ng kasalanan laban sa Espiritu Santo! Ni hindi nila alam kung anong bagay na yan. Paano malalaman kung wala naman sila sa Diyos. Kung hindi intention lang nila na ang simulain ay maganda, bandang huli mahirapan sa papel ng tao, pagkilala ng tao. Masarap pala ang may kapangyarihan, masarap pala ang pinupuri, masarap pala ang sinasamba at pinaniniwalaan, papasok na ngayon ang kaaway ng Diyos sa ulo ng taong yan, sa puso nya at sa buo nyang pagkatao. Yan na ang pasimula ng panlilinlang, yan ang pasimula na siphayuhin ang marami, yan na ang pasimula ng kaparusahan. Tandaan nyo ang parusa ng Diyos ay hindi lang nakalaan sa Impyerno, dito pa man sa lupa kung kinakailangan kang parusahan at dahil ginugulo mo at mabigat kang hadlang sa misyon ng Diyos. Sa mga bago sa inyo, hindi nyo alam ang kasaysayan ng Simbahan aking itinatag. Lalo na matapos ng Santong tunay, Santa Maria Birhenia, ay kinuha na sa langit ng Diyos Ama. Maraming sigalot ang nangyari. Mismong mga anak ng Santa, na kapatid ng Batang Ito, ay siyang kumalaban sa kagampan. Samantalang mula ng nagsisimula, simulat simula pa hanggang natayot natayo na. Doon lamang sila nagsipagdatingan. Doon na sila pumirmi sa Lupang Banal. Para anong gawin? Para guluhin. Ang Diyos ay Pagibig, subalit makatarungan ang kanyang Pagibig. Sapagkat hindi lahat na nagsasabi “Diyos Ko Diyos Ko” ay sumasa Diyos at maliligtas. At hindi lahat ng nakaputi ay tunay na nagbabanal. Hahatol ang Diyos, magpaparusa ang Diyos. Ano ang nangyari sa dalawang matatandang kapatid ng inyong Papang? Wala na sa lupa, ni wala sa langit, ni wala sa Purgatoryo, nasa Empyerno. Anak yan ng Luklukan. Ang katotohanan, na sabakan ng sarili niyang kalawang ang sisira sa kanya. Kung bakit nga sa katauhan ng Santa Maria Birhenia, buong Pamilya niya, laman ng laman nya, buto ng kanyang buto, dugo ng kanyang dugo ay nagdala ng higit nyang pagpapakasakit at paghihirap. Sa panahon ng Diyos Anak, dinala ni Maria iisa lang, si Hesus. Mula sa kanyang sinapupunan sa sabsaban ay nandoon sa kanilang tahanan, hanggang sa Krus nagiisa. Pero ang Santa Maria Birhenia, siyam na sundang, siyam na balaraw sa kanyang puso. May kabuuan sana ni Maria Dela Rosa sa buo sanang paghihirap ng santinakpan, kaya hindi na muling gaganap ang Mahal Na Ina. Ipagdaramdam na lamang ang kanyang mga Anak mula sa mundong ito. Kung natatandaan ninyo, sa bawat pasyon, sa bawat paghihirap ni Kristo, sa kanyang pagkabayubay sa Krus, naroroon ang sinabi ni Hesus. “Babae”, sabi nya sa kanyang Ina, “Yan ang Iyong Anak”. Tinuturo si Juan Evangelista na kumakatawan sa Sanlibutan, sa Buong Mundo. At sinabi nya, kay Juan Evangelista, “Lalaki, Yan ang Iyong Ina”. Tinuturo niya ang kanyang Inang si Maria. Na binibigay nyang pagkandili ng mundo kay Maria, at binibigay naman niya sa Mundo ang paggalang, pagtanggap at pagsunod sa kanyang Ina si Maria. Kayat kayo nananampalatayat kumikilala kay Maria, mapalad kayo, sapagkat sa sukdulan ng panahon kung saan haharap ang bawat Isa sa Korte ng Diyos. Nakita niya ang kalalagayan ng paniniwala sa Mahal Na Ina. Have a common sense, si Hesus, Panginoon nyo. Dinadakila! Sinasabi mo siya “Aleluia Praise the Lord!” “Praise Our Saviour!” “Master!” “Panginoon!” Pero yong pinanggalingan ni Hesus, na minamahal ni Hesus, ay tinatadyakan mo at hindi mo tinatanggap. Dahil tinatanggap ito ng Katoliko, you need to be difference from the Catholic Church, parang nilagay kunwari paninindigan. Yong Pitong Sakramento, halos wala ka nang Sakramento! Everything is done in memory of Christ, yet wala kang kumpisal. Dumeretso kana lang daw. Kahit humarap ka sa puno, humarap ka sa buwan patatawarin ka ng Diyos. Sapagkat ang Diyos daw ay nasa lahat. Oo tunay, pero bakit ginawa nya at winika nya sa mga alagad, kay Pedro na kumakatawan sa mga Alagad, “Ang sinoman kalagan nyo sa lupa, kakalagan ko sa langit”, “Ang sinoman panatilihin nyong nakatali sa lupa, mananatiling nakatali sa langit”, yan ang kaunaunahang Pitong Sakramentong tinatag ni Hesus. Bakit gagawin, si Hesus ba’y hindi Diyos? Hindi ba siya makapangyarihan? Na alam niya ang nakaraan, ang kasalukuyan at darating na panahon. Common sense lang. Tanggapin mo ang Anak ang Nanay saksakin mo! Samantala ang Anak galling sa Ina. Anong klase yan. Pagkatapos, hahatulan pa ang Ina. Hindi lang yan ang Anak, marami pang Anak si Maria! Ganito, ganito, ganyan. Yong Panginoon mo may pinanggalingan, yong lahing geneology. Yong Mary face sisirain mo at tapos ang Asawa ililigtas ka pa rin ni Hesus. Kaya sa Korte ng Diyos, habang ang mga taong may tatak sa noo ng krus sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo at pawang nadadatnan, nadadatnan ng puti. Sabay sa kaluluwa nila ang bagong pangalan ng Diyos. Walang iba kundi ang Ingkong. Nandoon rin si Satanas, isang dragon na pula. Pito ang ulo, kumakatawan sa Pitong Simbahan, kumakatawan sa maraming Simbahan na malalaki at halong naglilingkod sa Diyos, pero nangliligaw at ang pinaglilingkuran ang sarili nila. Pitong ulo ni Satanas, at sa pitong ulo na yan, may sampung sungay, kumakatawan naman sa sampung utos na maaaring labagin ng tao. Na isa lamang sa utos na ito na labagin ng tao maaari na siyang mapahamak, mapalagay sa Empiyerno. Pero sino ang hindi lumabag sa Sampung Utos. Lahat ng tao ay lumabag, pero dahil ang magliligtas sa tao ay hindi reliyon, hindi samahan, kundi ang awa ng Diyos. Kanino nya binigay ng Diyos ang kanyang awa? Doon lamang sa taong nakasunod sa kanya. Walang iba yan kundi ang inyong Mahal Na Inang Birhen sa kanyang pagiging Imakulada Konsepsyon. Kaya binabanggit ko po “Ave Maria Purisima!” Anong sagot? Sinpikado Konsubida. Sin – Wala. Pikado – Kasalanan. Konsibida. Sa kanyang buhay. Si Mariang Birhen lang yan. At siya mananaghoy sa Korte ng Diyos para lahat ng mga taong ibinigay sa kanyang pakundangan sa kagampanan nito. Siya ang iiyak. Siya ang magiinterseed, siya ang magmemediate sa Ama para sa mga anak nyang ito. Na dito pa man sa lupa nagsikap ng sumunod. Bagamat hindi perpekto, kaya hindi Banal, hindi Santo, hindi Santa. Pero nagsisikap gumanap. Yan ang ipapanaghoy niya para maligtas. At yan ang pagsisimulan ng bagong lahi at bagong lupa. Winiwika ko sa inyo, ang Batang ito ang aking pinagsimulan ng aking kaganapan. Bagamat ang tunay kong Esposa at Luklukan ay Babae, walang iba kundi ang Santa Maria Birhenia. Pakundangan sa Batang ito ako nagsimula.sa kanya rin ako magwawakas. Kaya kapag wala na ang Batang ito. Na kapiling na ang kangyang Ina sa langit. Wala na kayong Ingkong maririnig, wala na kayong Ingkong na mapaglalambingan, wala na kayong Ingkong mahahawakan. Lahat na yan na biyaya, mapupuntat pagkagabay sa mga tao maggagaling na lamang sa Sakramento at sa paglilingkod na nagiisa kong Simbahan ang Apostolic Catholic Church. Kaya mapalad kayong mga nagapas, mapalad kayong umabot sa aking pagpapala. Sapagkat manyaring wala nang Batang ito. Wala nang tatakan. Maghihintay na lang ng paghatol ng Ama sa mundong ibabaw. Kaya mapalad kayong mga Anak. Maglilingkod ako.

    Nanay Maria Urbana: Ave Maria Purisima, Mahal Na Ingkong, sa ngalan po ng aming Region Saint Clover De Moderna Milagrosa, kasama po nang aming Arsobispo at kaparian ay buong puso po namin ihahandog ang isang daan at labing siyam (1l9) na kaluluwa. Sila po ay nakatanggap ng banal na pagaaral at kumpisal. Nawa po Mahal Na Ingkong, ipagkaloob mo rin po sa kanila ang mga Banal Na Espiritu na inyo pong ipinagkaloob sa amin. Marami pong salamat.

    Ingkong: Minamarapat ko ang paghandog mo Nanay Maria Urbana. Sa unang pagkakataon, binago ko ang oras ng aking paglilingkod. Sa dami ng gawain ng inyong Papang, ng inyong Patriarka. Bukas nga alas siyete ng umaga (7:00 AM). Doon sa Batak, sa Bataan, halos sa dulo ng mariveles. Kinakailangan ng Papang bilang siya ang Punong Baranggay ng Sacrifice Valley. May pagpupulong doon kasama ang mga Congressman at Congresswoman ng buong Bataan. Kaya para umabot siya doon ng alas siyete, at kailangan umalis siya ng alas tres. Dati rati ang ganapan ng Mahal Na Ingkong alas singko, alas sais ng umaga ng sabado. Noong nakaraan linggo binago ko at pinagpasyahan ko. Dahil sa Sacrifice Valley, biyernes pa lang ng umaga pumapanik na ang mga tao, ng mga gumaganap. Makikita mo rin naman. Kung sinong unang gumaganap siya rin ang gumaganap. Kaya malalaman mo kung sino ang makakasama mo sa langgit. Kasi yon at yon din. Pinasimulan dito noong sabado, makikita mo rin silang mga sabadista, biyernes ang ganap sabado dumarating ay di ba sabadista. Kung yan gumaganap ang Ingkong, nawawala na! Nagpapaalam na! Terrorista! Ay ngayon malapit na kayong bumalik sa Sacrifice Valley. Na minamandato ko nga lupon lupon, grupo grupo, pangit ang traidor, pakita nyo na ang mga mukha nyo sapagkat kayo rin naman ang aasahan ko bilang inyong Ingkong. Kayo rin ang inaasahan ng inyong Papang, bilang Patriarka at namamahala ng mga iniwan ng inyong pinakamamahal Na Mamang. Kayo rin ang aasahan tutulong na magbuhay na magmuli na pasiglahin at paunlarin at paglingkuran ang Lupang Banal alang alang na ito, ang pinagsimulan nang lahat. Alang alang sa Heritage at sa mga legacy ng inyong pinakamamahal na Mamang. Walang makapipigil sa inyo doon. Wala na rin ang bumabaril, inataki na sa puso, kinuha na ng sa lupa. Wala na rin yong American boy, na nagmumura at lahat. May nananakot at lahat ng naninirahan doon. Na naging kampon nya halos bilang lahat. Ay nandyan pa naman sila Melencio, nandyan parin sila Simon, sila Elmo at marami rin kaunti, kinuha na rin sa lupa ay nagiisa na lang yong bunso pero lumalala. Parang siya pa ang mas matanda kaysa sa inyong Papang at mas matanda kay Apo Veronika, na ginawa sa mandato ng panganay sa America, na si Veronica ang tutulong sa inyong Papang. Ngayon ay dinadala at ang pinagmamalaki raw Obispo niya ay si Karl yong bobo so fake na paring Obispo na Amerikano nagsabi na siya raw ay dating Cardinal sa Roma. Tignan mo ang roster ng mga Cardinal sa Roma na pang una pa kay Pedro pa ni wala naman pangalan bilang Cardinal. Noon nangloloko. Kaibigan nya rin ang inyong Papang. Doon nakilala yan sa Washington Square nong umatend ang inyong Papang ng One Million Family March na binuo ni Lufarka. Si Lufarka na humalili kay Markom X. Si Markom X ay pinaasasinate pinatay. Si Markom X naman ang humalili kay Martin Luther King na “I have a dream” na yon din naman ay pinatay at binaril. So nakipagkilala yon sa inyong Papang nalagay sila sa CNA, mukha nila, mga gamit nila at lahat. Pumunta ng Pilipinas. Ang hindi alam nitong Karl na to, alam na ng inyong Papang na siya ay burgos, na siya ay fake. Naghahanap ng mga myembro nagkataon pumunta ng Pilipinas, hindi sumipot ang inyong Papang. Pinaligiran ng mga manghahatol, mga KMU ay naghahanap din ng mga myembro so may masamang intention sinamahan nang masamang tao, sama sama sila. Way ng money, walang iba kundi yan ang dinidiklara sapagkat yan ang gumawa sa kanya maging Obispo siya at may balita ngang nagtatatak na raw. Tatak okso, sige sige sputnik, batang city jail ano pang tatak? Tatak durugista. Kaya manatili kayong nagbabanal, gumaganap malapit nang parisin ang lahat para buong lugod kayong makabalik sa Lupang Banal. Tandaan ninyo wala akong winika na hindi nagkatotoo, sapagkat hawak ko ang buhay, hawak ko ang oras, hawak ko ang langit at lupa. Kayo, kaya kayo nandirito napatunayan nyo na ang lahat ng ito. Bago pa man may nangyari kay Mang Ben, tatlong araw winika, yan ay mawawala sa mudo sa isang marahas na pamamaraan. Di ba nangyari? Kayo pinagbibintangan, Papang nyo. Kailan lang bago dumating itong tagtoyo’t at tagulan binanggit ko rin sa inyong lahat yan. Kung bakit nga ang Simbahan nyo ay may pirmahan Memorandum of Agreement sa DENR na pinagkakalooban kayo ng daan daan hectariang lupain para tamnan dahil nga yang Ozone Layers ay nawawala na. Nagkakaroon ng Global Warming, ang mga malalaking yelo Ice Burge sa Antartika ay matutunaw maraming bansa ang lulubog. Ang inyong bansa isla ito kaya tinawag na Archepelago. Maari itong lumubog pero nilagay ito ng Diyos sa tropic country ka linya ng inyong mundo. Ginawang lahat ng mayaman sa lahat ng bagay, sa natural resources, sa lupain. Ano man itanim mo tumutubo kahit sa bandi na mo sa libag mo, hindi ka maligo ilang araw, sa kilikili mo, dito mo ganyan [Ingkong smell] naipon ng kaunting lupa, kaunting alikabok di ba may tumutubo? Ano ang tumutubo? Hadhad, buni, alipunga, eksemang tuyo, eksemang basa. Anong tawag sa lupa, inang lupa. Lahat ng mayron dyan, siyempre bubunga. Pagkain ng hayop, pagkain ng tao. Ganyan kayaman ang lupain nyo, pero sinisira ng mga mayayaman, mga nagsasamantala. Kayo ang nagpaparusa, inang kalikasan na ang nagpaparusa! Dati ang namamatay iilan lang ngayon barabarangay, probiprobinsya at lahat. Ginugulungan ng troso, binabaon ng lupa, binabaon ng lahar ng tubig at lahat. Sa mga lugar na hindi nagyeyelo, nagyeyelo. Sa mga lugar na hindi umiinit, nagiinit. Yan na ang pagbabago, hudyat na yan. The Signs of the Times. Kung bakit ilang pang ilang nakararaan binigyan ko kayo ng quota na paglilingkod nyo region by region. Bigyan nyo ako ng limampung kaluluwa sapagkat minamadali na ng Ama ang lahat. Na kung maari sana bago pa magparusa ang mga Anghel, ng Diyos sa lupa ang lahat ng dapat malagyan ng Krus sa nuo matatakan at matatakan, malinis at malinis, mapatawad ang mga kasalanan. Ang mga kasalanan ay pinatatawad ng Diyos hindi na pananagutan sa araw ng paghuhukom. Ang kasalanan maaari lamang panagutan at mabigyan ng kaparusahan ay matapos kang malinis matatakan at mapaglingkuran ng Diyos ay nagbabalik ka pa rin sa putik. Nagbabalik ka pa rin sa kasalanan. At pinaghahandaan lahat sapagkat tunay kong winiwika, “Kapag hindi nagbago ang tao sa simula ng taong ito, laluna sa susunod na taon, at yan po ang taon tingkad na bibilangin nya. Marami ang magbubuwis ng buhay, maraming mamamatay! Doon nagdala ang tao. It’s so ironical to believe and see Sa pangalan ng pananampalataya ng Diyos nagpapatayan ang tao. Sino ba si Ala na sinasabi nila? Sino ba si Yahweh? Sino ang Panginoong Diyos? Sino si Jehoba? Sino si El Sha Die? Lahat ng yan ay Pangalan lang ng Iisang Diyos! Hindi ba lahat ng tao ay mula sa iisang Diyos? Na sa kabaitan ng Diyos sa kanyang kapangyarihan nagpakilala siya sa ibat ibang pamamaraan, nagpatawag siya sa ibat ibang pangalan, nagpasamba sa iba ibang gawi. Pero iisa lamang ang Diyos at ang lahat ng tao ay tatanggapin. Magkakapatid yan. Gawa lang ayon sa wangis at anyo ng Diyos. Tignan mo ang Torna, tignan mo ang Koran, tignan mo ang Biblia, isa rin ang sinasabi. Mag iway indigeneous belief. Yong mga nasa bundok, nasa mga tribo tribo halos iisa. Hindi sila ang Diyos, may Diyos na makapangyarihan. Ano man ang tawag mo dyan, Diyos yan. Bakit dapat magpatayan! Samantala ang Diyos ay Kaayusan, ang Diyos ay Buhay, ang Diyos ay Kaligtasan. Bakit nagpapatayan? Yan ang kapalaluan ng tao, yan din ang kahinaan ng tao sa pagiingganyo ng kaaway ng Diyos. Ikaw lang ang sikat, ikaw lang ang maliligtas. Minutes dito ang iba rito ang lahat hindi maliligtas. Kaya dapat ipreserve mo yan. Ingatan mo yang pananampalataya mo yan dahil kailangan pinili yan, ang lahat mamamatay. Anong klaseng Diyos yan? Bagamat kayo’y Katoliko at Apostolika kayong Simbahan. Minandato ng inyong Ingkong sa pamamagitan ng inyong Papang na isang abogasia makisama sa lahat ng Religion. Una sa mga Kristiyano, kahit hindi Katoliko, naniniwala yan kay Kristo, naniniwala yan sa Ama, Anak at Espiritu Santo, bukod doon makisama ang inyong Papang sa mga Interfaith, kasama ang mga Muslim, kasama ang mga saksi, ang mga Modista, ang Shiento, barfaith, parapomares pati mga indigenous, mga manobos, mga mangyans, mga tribo tribo dahil iisa lamang ang Diyos. Sa pamamagitan ng inyong Papang at abogasiang yan nagkaroon ng interfaith. Lumakas ang Ekonomismo na sinasabing Ekonomista. Ecuemonism, pagsamasama ng mga Katoliko at Protestanteng Simbahan. Na dati rati hindi nagtitinginan mata sa mata, ni hindi naghahawakan, nagdadaupan palad, ngayon magkakaakap na at iisa ang sinisigaw! Anong sinisigaw ngayon ng Mundo? Ang pagbabalik loob ng tao sa Diyos. Nadarama na ng pangkalahatan ang pangangailangan magbalik loob, magkaroon ng moralidad. Pagsasaalangalang sa mabubuting asal na ngayon ang tao ay hindi na asal tao. Asal hayop na. Isa sa mga Signs of the Times, ang magulang maari ng pumatay ng kanyang anak. Abortion. Sariling Ama papatayin ang Anak, ibibinta. Ang Anak, maari ng magtakwil ng magulang, magmura at pumatay din. Isa yan Sinyales ng Panahon. Kung saan naryan ang mga girl, awayan, digmaan, nandyan ang mga dilubyo, nandyan ang mga pangyayari hindi maintindihan sa kalikasan. Tulad ng binanggit ko sa inyo, Global Warming! Mga tinatawag nilang UFO at lahat. Kung kailan nagproprogress ang tao, expert siya sa technology sa Artist, sa Syensya, hindi naman humahaba ang buhay ng tao. Kaya nga sa kapangyarihan ko rin. Para sa inyo malaman, ang Papang nyo ang Batang ito, na siyang Commissioner ng Commission and Moral and Spiritual Development ng buong bansa ninyo. Under ng Tripartrite Council ng NASAC (National Social Action Council) na protektado ng inyong bansa na Constitution nito ng saligang batas. Na binigyan ng tindi, at kapangyarihan, mga Executive Order, mga Republic Act. Mula kay Marcos, kay Cory, kay Ramos, kay Joseph at ngayon kay GMA! At ang Papang nyo bilang Commissioner, na Commission ulit siya, ikalawang linggo ng bawat Oktobre, dyan sa October 7 to 12, Commission yan ng inyong Papang. Makikita nyo nakalagay dyan ang mga iba ibang banners tungkol sa Moralidad, tungkol sa Integrity, na dati rati yan ay hinawakan ni Shiahani Ramos, Liticia, ngayon hawak ngayon ng inyong Papang mula 2006 hanggang 2009. Moralidad, yan ang pinaka problema ng bansa ninyo. Hindi lang ng bansa ng buong mundo. Sa buong mundo trese anyos pababa may mga tromatic experience na. Naduduhagin na ang mga kagampanan, kalinisan, ang pagiging birhen, babae’t lalake dinudusta na ng mundo. Trese anyos pababa, nabubuntis na! Kung sino mismo pinagkakatiwalaan magulang, lolo, tiyohin, kapatid, pinsanin, siyang nagduduha, mga pari, mga madre, mga guro. Pinagkakatiwalaan, inaabuso ang murang katawan. Samantalang sinasabi nga, at yan ay katotohanan, “Sa Kabataan nadyadyan ang pagasa ng Bayan”. Papano magiging pagasa ng bayan heto halimbawa, si Maria na yan. Dose anyos tinabihan na ni Lolo. Ano ang nararamdaman? Parang isang bayabas na bobot, kunin muli, at kainin mo di ba mapait, mapakla. Ganyan din sa buhay nyan. Madidiskubri na ni Tatay ni Nanay, sasabihin pa sa Anak, tumigil ka na lang, kahihiyan ng ating lahi yan. Kapag isumbong mo si Lolo, hindi na yan magbibigay sa atin ng pera galing sa Saudi, ganito ganyan, tiisin mo na lang. Sa Amerika, sa Los Angeles Counfit, sa southern part ng California, 660 Million US dollars, ipinantatakip, ipinambabayad ng Romano Katolikong pari sa mga naging biktima ng mga baklang pari na ma tongin ang mga madre para huwag lang at matapos na ang kaso. Isang tropic lang yan, in Amerika has 50 states, na ang bawat isang state, may apat, ni sampung counfit. Gaano mamumulubi ang Romano Katolikong Simbahan. Kailan lang, tayong mga Pilipino, hindi na nahiya. Tatlong parokya yan ninakawan niya ng milyon dollars dahil may tatlo siyang anak, ay may dalawa siyang asawa. Pinaghahanap, Federal Case against the Filipino priest. May ibang grupo doon mga pari, pagdating doon, sila sila, mga Pilipino sa Pilipino, naglilingkod, ganito, ganyan. Pagdating sa Pilipinas bakla palang lahat. May mga Papa, mga Pilipinong pari yan, nagsamasama sila sa isang counfit doon sa San Jose. Personal na buhay, haharap sila sa Diyos. Ngayon kung bakit nga ba natatangis sa Simbahan nito ang kabataan na kailangan ereserve nila at preserbahin nila ang kalinisan ng kanilang dangal. Para sa ganon, may pagasa naman ang bayan ng Diyos. Alam niyo ba hindi na nabibigyan tulong. Nagtataka, mahal, na kumuha ka ng medical expert. Expert sa psychology, expert sa mga kaisipan na magbabago dito sa troma ng isang bata. Na hindi natulungan, pagtanda ng batang yan. Siya mismo kung anong ginawa sa kanya at naranasan nya! Gagawin nya rin sa mga bata. Mapa babae mapa lalake. Sino ang nagtatagumpay? Si satanas. Hindi sinyal ni satanas. Gusto ni satanas yan! Yong druga na yan, yang mga extasy na yan, yang mga alak na yan, yan sigarillo na yan. Lahat ng bisyo. Pinakikita na ng Diyos, pati sa mga sakit. Kung papaano ang tao ay dapat matakot at magbalik loob sa Diyos. Yong mga sakit na yon hindi nyo natagpuan noong unang panahon, pero nandyan na dahil sa abuso ng tao sa mga katawan, pangabuso sa kapwa sa higit na pagkakasala. Kaya may isang Ingkong naglilingkod, ibig kayong maging magandang halimbawa ng Bayan ng Diyos sa Lupa para sa langit. Hindi naman linggid sa mga Simbahan, lalo na sa Romano Katoliko ang Simbahang ito. Sa totoo lang, point of discussion kayo, point kayo ng mga theological, ng mga kung ano anong usapan at usapin. May mga naninira sa inyo pero marami ang humahanga. Kaya ng ngayon, direktiba ng Kardinal Rosales ng Romano ng lahat ng babae pagbelohin na rin. Na may dress code na pagpasok ng Simbahan, hindi na maari pumasok na naka short pants, naka pika bo, naka spaghetti, naka panti, neckline at lahat. Pati pagkakasal, binibigyan na rin ng dress code. Sino ang pinamarisan nila? Ang Simbahan ito. Pero hindi nila magawa. Pigilan niyo ang sigarillo, pigilan niyo ang alak, pigilan niyo ang pagsusugal. Mabuhay kayo’t galangin ang inyong mga sarili sapagkat templo kayo ng Espiritu Santo, noong bininyagan kayo bilang Kristiyano. Sapagkat mawawalan sila ng tao. Maging sa pagdarasal ng Santo Rosaryo, chap chap na. Unang Sampung Mysteryo papasok sa opisina, Pangalawang Sampung Misteryo pauwi, Pangatlong Mysteryo pagkatapos panaurin ang jumong, Panglima, Pangapat, Panglima yon na ang kanyang sleeping pills, nakahiga na yan. Ika-lima, ika-apat na Mysteryo ng halimbawa ng ngTuwa, “Sa pagkakatagpo kay Kristo sa Templo” Ama namin sumasalangit ka Sambahin ang Ngalan Mo [Ingkong is yawning] Papapatawarin sana ako, sundin ang loob mo dito sa lupa para na sa langit. Nakahiga na yan. Sasagot pa! Malapit na po! Prrrrrrrrrrrrrrrrr tapos aasahan mabubuhay! Kinabukasan buhay! Ay kung hindi mabuhay? Anong mangyayari? Papano pagpapalain ng Diyos? Ni simba ng simba paguwi ng bahay palatak ng palatak naman ang bibig. Dumito ang Rosaryo naka dipa pa. Unang Mysteryo ng Hapis ay ang ano? “Pagpawis ng dugo sa halamanan ng getsemani” Ama namin sumasalangit ka – Hoy nasusunog ang sinaing diyan! Mga walang hiya kayo diyan! Kapag may nagdarasal dito! Yong sinaing ko dyan! Baka mamaya may totong ha! Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya [Ingkong laugh] Ano ang katotoran, ano ang kabutihan, na checheck ba yan? Ngayon ang Simbahan, hindi na reliyosong Simbahan, may political party na ang Simbahan. Papalaot na yan ng husto. Tignan nyo ang Romano, walang magawa sa mga fundamentalist, walang magawa sa mga born again. Anong ginawa ngayon? Nilupon lupon ang grupo. Children for Christ, Businessman for Christ, ha! Couples for Christ. Puro ganon! Puro si Kristo, si Kristo pero ang totoo Simbahan lang nila. Para hindi mawala, para sa ganito. Mananagot at mananagot pagdating ng panahon. Hindi rin iniintindi kung maliligtas yan? At sa pangalan pa ng Simbahan nila? Hindi ba marami na ang lumilipat sa Iglesia? Marami na ang lumilipat dyan sa sa kung ano ano dyan? Sige buloy, sige buloy, siya raw kapalit ni Kristo! Siya raw ang mensahero o sinundan pa ni Samuel Moon na pinakamayaman, isa sa pinakamayaman sa mundo na taga Korea. Siya raw ang second Christ. May Christ failed Samuel Moon Church. Na dapat daw panahon ng mga madre, mga pari, mga mongha at mongho na lumabas, magasawa at kapag hindi raw nakapagasawa, hindi maliligtas, mapupunta sa empyerno. Saan kapuluan yan? Saan nila? Sapagkat sila ang naguso ng matching matching, iba’t ibang lahi pero ang lupon nila! Tatapatin ko kayo, ang ikapo ng bawat isang pamilya, kaya yumayaman si Samuel Moon. Oo namumuhunan siya, gumagastos siya, pinadadala nya ang mga delegasyon, mayayaman, mga makapangyarihan bawat bansa pinagmematemate nya yan tapos pinagpapafashion fashion. Ang bagay niya para isang lalake, isang babae nagasawa dahil siya ang nagbindisyon ang anak nya, lahat ng yan may ikapo. At napakahigpit nila sa ikapo. Tulad ng Iglesia, tulad ng lahat ng mga Born Again, tulad lahat ng Protestante. Sabagay winiwika ko, “Utos yan ng Ama, Utos yan ni Kristo, Utos Ko rin yan bilang inyong Ingkong”. Kung nais nyo mabuksan ng maganda at magkaroon kayo ng maayos masaganang buhay material, spiritual at lahat ng bagay sa mundong ito. Yan ang Susi ng pagkakaikapo. Kaya marami nang Katolikong umaalis sa pagiging Katoliko sumasama na rin dyan. Makita niyo mga Doctor pa pero ang habol hindi ang pananampalataya kundi ang magandang buhay sa mundo. Pero hanggang kailan ka mabubuhay sa mundo? Limampung taon, pitompung taon, isang daanpung taon. Kumpara sa Life Eternal, wala hanggang buhay ipagpapalit mo! Paano ka maliligtas kung si Kristo sa Simbahan mo ay tao lang at si Manalo ay Anghel. Ang Papang nyo, ang Mamang nyo, ginamit ko bilang Ingkong. Pero kahit kailan hindi nila itinaas ang sarili nila. Sa punto na sila ang Diyos, na sila na ang lahat bagkus hanggang sa huling hibla ng buhay, walang ginawa ang inyong Mama kundi ang maglingkod, manalangin. Ngayon nasa piling na siya ng Diyos Ama sa langit. Kung mayron kayong dapat tawagan sa inyong panalangin bilang tinatakan sapagkat tunay na Banal at Santa ay walang iba kundi ang Santa Maria Birhenia. Wala siyang hihilingin sa Ama na hindi ipagkakaloob. Lalayo ka pa ba sa Ingkong. Ave Maria Purisima! [People answer] Sinpikado Kunsibida. Mayron ba kayong tanong? Ako may tanong! Sa susunod bang linggo ganito rin karami? Marami talagang taong panggabi. [People laugh] Di ba! Kung buhay ang tao sa umaga, mas maraming buhay na tao sa gabi! Tignan nyo sa Pegasus, [people laugh] sa Classmates, sa Clawns, Executive Tower, dyan sa Home Comedy Bars sa KTV, doon sa Tongketan, doon sa inuman. Region 6, sino yan? Ha! Sino si Minerbo, yong mataba! Malusog. Ngayon noon eh isa na lang 49 [People laugh] Biglang sinabi sa akin di bali po sa susunod po maghahandog ako ng isa. Embis na makaawa sa mga ibang Regional Officers, bakit iisa na na lang ang kulang ko para maging limampu baka naman mayron dyan! Si Felipo, yan laging kandidato yan, yon o yon ang Kerubin ay forever ano? Angelito, isang pangtakip kaagad yan! Kaya nagalit ako noon kahit isa na lang, hindi pa nakita ang pagkakaisa ng Simbahan. Hindi pa nagtulungan, hindi naman humihingi ng awa! Hindi naman nakiusap! Paano matutulungan? Tapos haharap sa akin, di bali po sa susunod [Inkong laugh] Habang may bargainan sa Ingkong. O ngayon, sino ang mga Regional dito? Taas ang kamay! Mga iba ibang Region. Officers, Chairman. Ilan kayo? Isa lang sa bawat Region dapat labing apat yan! O sino sa inyo ang may tape recorder? Anong Region yan? O Region 1 tape recorder nyo. Sabi ng isang Apo, “Ako na lang po! Madaldal naman ako eh” [Ingkong laugh] Matsitsismis ko na ho ang lahat! Region 2 tape recorder! Region 3, pag nagutos ba ang Diyos hindi rin sumusunod! Pag nagutos ba ang Diyos biruan lang yan! Sa susunod na ganap, hindi kayo maaaring pumasok ng Simbahan at hindi kayo kikilalanin, wala kayong tape recorder. Para saan ang tape recorder? Para maitape nyo ang mensahe ng Mahal Na Ingkong dahil Milyon na ang Tinatakan ng Mahal Na Ingkong! Ilan lang kayo nandirito? Ibig sabihin, marami sa inyo ang wala rito. Papanong madidinig? Papano kung hindi ninyo pagmamalasakitan? Samantalang wala naman isang tinatakan na hindi naipapailalim sa isang Region. Ako pa ba magmamalasakit sa tinatakan! Yong kapwa nyo ba hindi nyo pweding pagmalasakitan! Itong tatatakan na ito isang daan at labing siyam (119). Noon pa minamandato ko, Pagdating yan sa inyong mga lugar, araw ng linggo, pwedi ninyong ipunin sa loob ng Simbahan. Matapos ang Misa, kahit kayo kayo mga Officers. Welcomin sila doon, haranahin, tanggapin, ipakita nyo na may pinabibilangan sila, na grupo kaming mga kapatiran nyo rito. O malaman nyo ang mga kaarawan na yan. Hindi mismo paguwi. Bukas sa bahay nila, nandyan kayo, hinaharana nyo sila. Magugulat ang magulang, ano ang nangyayari? Dyan dumami ang Kursillo. Eh ang salita ng Ingkong, pumapasok dito, lumalabas lang dyan eh. Pero kapag mayron na mga sakit. May mga problema na! HOOOO OOOOO OOOO yong asawa ko may sakit hanggang ngayon hindi pa nagigising! Ilibing mo na! [People laugh] Hindi naman mga sumusunod. Papano kayo pagpapalain ng Diyos. HEEE EEEE EEE EEEE hindi pa ako tumatama sa lotto! Bumili ka kasi ng ticket! Papano ka tatama wala ka naman palang ticket na binibili. Ave Maria Purisima! Naka handa na ba kayo? May tanong ba kayo? Nakapag misa na kayo kanina. Anong obligasyon nyo matapos kayong matatakan mamaya? Anong gagawin nyo uli? Uuwi na! Tapos Na Eh! Hindi kayo makakauwi hanggang hindi kayo nagmimisa uli! Misa pasasalamat. Kanina Misa paghahanda, ngayon tumanggap kayo ng regalo, regalo na hindi mapapantayan ng salapi. Kaunting pagtitiis. Magsisimba uli kayo, magpapasalamat sa Diyos. Ugaliin ninyo mas marami kayong panahon sa Diyos. Mas pagpapala yan at tandaan ninyo! Ang Diyos ninyo ay maibigin, maunawain pero mapanibughuin din. Pag may bagay kayong mas minahal higit sa kanya, hindi nya ginugusto. Hindi lamang sa Biblia, sabi ito ni Kristo, “Sumunod ka sa akin at gagawin kitang mangingisda ng tao”. May mga pagkakataon may pinapatawag, “Sandali po, ililibing ko lang po ang aking Amang nakaburol”. Anong sasabihin ni Kristo? Hayaan mo ilibing ng patay ang kapwa nya patay. Yon daw isa, na magsasaka, na walang ginagawa kung nagaararo kundi tingin ng tingin lang sa likod na pinanggalingan ng kanyang pagsasaka. Hindi karapat dapat sa Kaharian ng langit. Ang ibig sabihin non, ang naglilingkod na raw at sumusunod sa Diyos, pero palingon lingon parin, inaala pa rin. Kamusta kaya ang bahay ko? Nasarado kaya. Naku yong plantsa ko hindi ko na unplug! O yong kandila ko nailagay ko lang sa ibabaw ng karton. Umasa ka paguwi mo sunog ang bahay mo. Tanga ka eh! [People laugh] Sinabi ba ng Diyos magdasal ka at pagkatapos maglagay ka ng kandila, ilalagay mo dyan sa ano walang, ano pagka natunaw yan, doon na mismo sa sa papel, o doon sa tela at ganyan. Ano ka sinisuerte. Ang mga batas kalikasan, hindi binabago ng Diyos yan. Kalikasan yan eh. Nagsindi ka, inisip mo ba ang darating si Archangel Miguel. Malakas ako kay Gabriel, siya ang magpapatay nyan! [Ingkong blow] Baka hindi kandila ang hipan baka ikaw! Na matigok ka na. Kita nyo si Kristo, tatlong beses tinukso ng demonyo. Ni sala sa pagkain sa tyan, pero madami ang pinadadaan ng kalikasan sa tyan. Bago ako sumamba, bago ako magsimba, bago ako humarap sa pangalan ng Diyos, hanap buhay muna ako kasi wala akong kakanin, walang kakanin ang mga anak ko. Kaya ako nagsisipayuki, kaya ako nandirito nag g gro, kaya ako nagtutulak, kaya ako nagkaganito. Gagawin katwiran, mahirap walang pagkain. Di ba sinabi rin yan ni Hesus? Apat na araw, apat na gabi siya hindi kumain, nag fasting siya, nagayuno. Alam ni satanas, gutum na gutum siya. Alam ni satanas na ang tao ganyan din. Kaya tinukso siya, sinabi ni Hesus, “Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kailangan lagyan ng palaman”.at tsaka lagyan din kanin pa rin trigo. Kaya kayo, huwag na huwag kayo magpapalipas gutom. Lalo kayong bagong tatatakan. Hindi ko utos na magpalipas gutom kayo, dahil hindi sanib, hindi banal ang sasapi sa inyo kundi yong kaliwa. Pag sinapian kayo, ng ibang Espiritu, ikaw na ang Diyos, ikaw na ang Birhen Maria, Ikaw na si ganito. Kaya nga ba ang pinaka importanteng pagkain sa tao yong umaga. Almusal. Bakit kayo nagkakasakit? Kasi sa pagmamadali! Matutulog kayong late, manunuod kayo ng jumong. Manunuod kayong walang tulugan, tapos kinabukasan may appointment kayo, tatakbo kayo na walang pagkain. Kaya nga breakfast eh, binibreak nyo yong fasting. Maari kayong hindi kumain ng marami sa gabi, kasi itutulog nyo lang yan eh. Pero ang iba, ginagawang sleeping pills ang pagkain sa gabi. Kakain ng alas sais may alas dies pang merienda. Bago matulog, alas dose, lumalaplap pa! Ay kung bangungut ang abutin nyo! Ang sarap kasing matulog. Kasi pag busog, hindi nyo ba nararamdaman? Kahit anong oras kumain ka! Pagkatapos kumain, yong iba naninigarillo pa! Yong iba antok na antok? Bakit hindi? Kasi yong dugo dito sa utak na bumubuhay sa inyo pumupunta sa tyan para tunawin yang kinain nyo pagkarami rami. Hindi pagkain. Kumain ka na ba? Bumangon lang ako eh. Ginagawang pampatulog. Kita nyo kinabukasan, ang laki laki ng tyan! Kung araw araw na gagawin yan. Ang sarap nyo! Pagdating ng panahon 250 lbs. na kayo, 300 lbs. na kayo! Yong dito nyo, anong tawag dito? Braso. Binti na ng tao. Pag naglakad kayo, para kayo si Kokain! Ang mga kamay nyo naka ganyan noh. Kasi ang demand nandirito, kaya ang paglaki nyo pa ganon. Ang gandang tignan anoh! Makita nyo paglakad nyo, hindi nyo masisisi ang tao. Titignan kayo! Susundan kayo ng tingin. At pagkatapos yong tao na yon, iiling. Maganda na yong, maganda ka na sa loob sa kaluluwa, maganda ka pa rin sa katawan. Salvation, yong totality ng tao. Ang lakilaki noh! Di bali mangangayayat din ako pag na tisiko na ako. Hintayin mo pang maghirap ka! sa sakit! Ang laki laki mo, papayat ka ng papayat dahil na titisiko ka na nga! Tandaan nyo, ataul na mas malapad mas mahal! Kaya kung mamatay kayo pilitin nyo maliit na lang. Yong iba nga eh yong dala nilang ataul eh pinasusunog na, nilalagay sa maliit na garapon! Ay papano yong sinasabi, sa Biblia, “Tatayo ang mga patay at mga buhay at haharap sa Diyos”, ay kung alikabok ka na lang! Alabok ka na lang. Paano ka makaliligtas, papano ka tatayo sa maliit na kahon? Na lata? Ngayon pinagdedebatihan yan sa Theology, sa pagaral tungkol sa Diyos. Yon talagang may deboto na katoliko nagpapasunog pa rin. Kasi practical na lang daw. Ay sa Diyos ba may practical practical. Kaya kung wala pa kayong mga plano, kumuha kayo ng Saint Peter. Hulug hulugan, matapos ang limang taon, wala ka nang babayaran, kahit anong mangyari sa iyo may plano ka. At least hindi ka ililibing sa ilalim ng tulay, sa gilid ng barangay, sa may basketball court. May tolda ka, may pinaglalamayan ka, pinagtotonghetan ka lang. Samantala kung wala kang plano. Halimbawa ang serbisyo ng ng isang funeraria ay nagkakahalaga ng limangpung libo. Tandaan nyo ha! Mahal ang mabuhay at ipanganak, mahal na rin ang mamatay. Yong limangpung libo kung wala kang plano times 3 times 4. Saan ka kukuha ng ganon? At sinong aabalahin mo? Yong mga Apo mo? Yong mga anak mo at lahat? Yong iba nga dyan eh, hindi ka pa natitigok pinagdarasal matigok ka na! Baka akala may ipamamana ka ay wala naman pala! Panay utang. Kaya yong mga plano plano nyo dyan mga anak, hindi naman masama. Minsan kung kailan mo pinaghahandaan doon lumalawig ang buhay mo! Kung hindi ka naghahanda doon ka nadadapa. Nadapa lang naman ako, naumpog ang ulo mo, may pako pala naka ganon, pasok sa utak mo. Samantala kung mayron kang plano. Buwan buwan ka nagbabayad buwan buwan. Halimbawa, dalawang buwan ka pa lang naka bayad. Na pulmon, may nangyari sa iyo. Bayad na lahat yon. Mayron ka pang insurance, nagipon ka ng pera sa bangko. Magkanong tubo? 2 percent. Sino ang umayaman? Insurance. Yong hinuhulog mo ginagamit sa pagpapatayo ng condominium. Sila ang mayari nyan! Pero hindi nyo ginagamit. Pero ang tubo mo, magkano? Kayo na lang, kamaganak mo, mayron kayo siguro may insurance kayo, mga anak ninyo. Para mag college plan. O para sa iyo, after five year ka nagbabayad. Kulang ang plano mo. Mayron kang isang milyon, may limang daang libo ka. Kailan mo iipunin yan sa bangko. Sige nga! Hindi kayo maging practical, hindi kayo magisip. Ipon ka ng ipon sa bahay. Kung pinasok ka ni ano? Akyat bahay. Wala rin. Nilagay mo ang pera mo sa alahas. Ay di investment ito eh. Yon naglakad ka, nasungkit. Mitsa pa ng buhay mo! Samantala kung nilagay mo yan siguro sa kinabukasan, kahit ano pang insurance company yan at lahat. Importante yan. Ave Maria Purisima! {People answer] Sinpikado Kunsibida. Anong Oras na? Hm! Di ba dapat magsimula ng alas dies. Hinabaan nyo siguro ang sermon sa Misa. Alas dies, sabi ng Papang nyo, “Gaganap ang Ingkong, alas sonse pasado na, alas sonse doon palang nagpapakomunyon”. Bagay sa marami ang nag komunyon, kaya humaba diba. Ave Maria Purisima! Sinpikado Konsibida. Anong ibig sabihin ng Ave Maria Purisima? Kung sino ang matapang? Taas ang kamay at sumagot. Sige na! Ano ang ibig sabihin Ave Maria Purisima? O yong mga ano, may edad? Sino ba ang nag lecture dito. Bakit hindi alam? Ano? Ave Maria Purisima! Ano ang ibig sabihin? Sa tagalog. Ah wala na magtataas ng kamay! Balik kayo ha next week! O kaya sa May! May katapusan ng Mundo! Baka matatakan kayo, pero ngayon, siguro hindi muna. Basic lang eh! Ave Maria Purisima! Anong sagot? [Child shout] Sinpikado Konsibida! Hindi sindikato sa abenida. O anong ibig sabihin ng Ave Maria Purisima nga? Ano? Hindi, doon muna sa Ave Maria Purisima! Akala ko gising to mga to. Sabi, sabi ni Nanay Maria Urbana, “Na aralan po sila”. “Tumanggap na rin po sila ng aral”. O doon pa lang, ni linkage na nga sa inyo yan eh, hindi nyo pa masagot. Anong ibig sabihin ng Sinpikado Konsibida? [Ingkong whisper] Na na na na na. Pag may sumagot, yon na nga eh sinabi ko na eh. Ano? Tuloy tayo o hindi? O sino ang sasagot ngayon? Ave Maria Purisima! Ano ang ibig sabihin yan? Ha! Mapalalake, mapababae sagot! [Child answer] Aba Ginoong Maria napupuno ka ng gracia. O kita nyo! Palakpakan nyo yan! [People clap their hands] O sa lalake naman, anong sagot sa Ave Maria Purisima? Ha! O Sinpikado Konsibida! Tama yong bata. Ano ang ibig sabihin sa tagalong? O yong may edad sa likod! Lalake sagot! Ano? Bilis na para makapag simula na tayo! Sino may alam? Ikaw alam mo? Alam mo ibig sabihin ng Sinpikado ay nay ya Sinpikado Konsibida Ha! Sige! Yon yon sige! “WALANG BAHID DUNGIS KASALANAN SA KANYANG BUHAY” Ha! Sinpikado yong Sin – ibig sabihin sa tagalong WALA. PikadoKASALANAN. Konsuvida - SA KANYANG BUHAY. Kaya siya hindi lang siya Imakulada Konsepsyon na pinaglihi ng walang bahid kasalanan kundi mismo sa konsepsyon nya, panganak nya, pagkabuhay nya, pagka dalaga nya, paghina nya, hanggang kamatayan nya, wala siyang bahid dungis kasalanan sa kanyang buhay. At sinong bumati sa kanya nyan? Sino yan? Kanino nya binati yan? Sa Mahal Na Inang Birhen. Sino ang bumati sa kanya? Arckanghel Gabriel. Bakit ngayon hindi naman kayo si Birhen Maria pati lalake binabati ng Ave Maria Purisima kapag naguusap usap kayo dahil bilang tinatakan. Bakit ginagawa yon? PAKUNDANGAN NG BAWAT ISA SA INYO AY BINASBASAN AT MAY TAGLAY NA BANAL NA ESPIRITU. Ang binabati doon yong mga Tatak ninyo, kasama kayo, kasi pagsasamahin ang taga langit at taga lupa at muli kayo pinapanganak sa Espiritu ng Diyos. Lahat ng nangyayari dito nasa Biblia at ito ang huling kapanahonan ng pagganap ng Diyos. At mapalad kayo, bahagi kayo ng kaganapan ng Diyos. Iba sa inyo eh, bahagi ng kaganapan ng kung sino sino lang eh. Kaya naunawaan ba? Ngayon bilang kayo’y Tatatakan at matatakan kayo, hindi pa lahat alam alam nyo. Kaya may Simbahan kayong pinupuntahan. Mayron kayong Ingkong na pinakikinggan, Ave Maria Purisima! [Child answer] Sinpikado Konsuvida. Pahiram ng kandila. Isa lang. Lahat kayo may kandila? [Children answer] Opo. Kayong One Hundred Nineteen (119). May kandila kayo? {Children answer] Opo. Naku kailangan ko talagang may interpreter. Bakit may kandila anong gagawin dito? Sisindihan. Kung sisindihan ito, paano nyo hahawakan? Ha! [Child shout the answer] O alam na kaagad. Talagang bose, talagang ganito. Kasi nga, pag malapit mapapaso ka di ba? Kahit may sindi hawak mo ganon. Naka ganon ba? [Children answer] Hindi po. Bakit hindi ganyan? [Children answer] Masusunog. Alin ang masusunog? [Children answer] Buhok. Buhok sa ilong. Naka ganito ba? [Children answer] Hindi po. Kaya papano gagawin? Naka ganyan. Di ba ganyan ka? Nakalayo lang ganon. Huwag naman naka ganon. Kasi mayron pang taong naka luhod sa harapan mo. Siya masusunog. Kaya ganito di ba? Pag sinindihan ito. Bago sindihan paluluhurin na kayo. Ipipikit na ang mata nyo. Papipikitin kayo para magdasal kayo. Magsisi kayo ng kasalanan ninyo. Pinapipikit kayo para hindi kayo maisturbo ng ibang tao. At hanggat hindi ninyo nadidinig sa boses ko na maari na kayong dumilat. Hindi kayo maaring dumilat. Pag nakita ko kayo lumalabag kayo sa utos ko, lalampasan ko kayo hindi kayo babasbasan. Hindi kayo matatatakan. Yan kandila ninyo, matutunaw na lang sa kamay ninyo. Lalagpasan kayo hanggang masunog na lang kayo. Gusto nyo ba yon? [Children answer] Ayaw po. Ayaw. Ngayon pag pikit ng mata. Dalawang mata ang naka pikit. Hindi. [Children laugh] Baka mahipan kayo ng hanggin, paguwi niyo. Bakit ano ang nangyayari sa iyo? Ewan ko ba eh. Eh kasi nahipan ka ng hangin, hindi ka na sumunod. So hanggat hindi ninyo nadidinig sa tinig ko. Maari nyo ng ibukas, imulat ang inyong mga mata, hindi nyo bubuksan. Maliwanag? Opo. Kahit nararamdaman ninyo lumilindol at bumubuka yong lupang kinaluluhuran ninyo. Kahit ang lupa nasa banda dito nyo na. Nakabaon na kayo. Naka pikit pa rin kayo. Ganon ka seriouso ang utos na yan. Naintindihan? [Children answer] Opo. Ngayon tignan nyo yong nasa kaliwa ninyo, tignan sa kaliwa. Nakita nyo mukha nila. [Children answer] Opo. O sabihin mo, magbago ka ha! Magbago ka ha!. O ikaw naman. Tingin ka naman sa kanan. Sabihin mo, Ikaw rin. So pareho kayong nagsabihan. Kaya kinakailangan pareho kayong matatakan. Kasi kapag hindi kayo nagnais magbago at hindi kayo nanalangin na mapatawad kayo. Kahit sampung oras na nakaluhod dyan. Hindi ka matatatakan. Paglabas mo, tatak okso ka na lang, tatak sige sige ka na lang. Hindi ka tatatakan ng Banal. Maliwanag? [Children answer] Opo. Tatandaan nyo ha, kayong mga lumang Apo at bagong Apo. Tinatatakan kayo sa pangalan din ng Simbahan tinatag ng inyong Mahal Na Ingkong, Apostolic Catholic Church. Kaya yong mga sumama at nagtatag ng ibang Simbahan. Lahat na yan automatic hindi na Apo yan. Kaya tinawag Apostolic ay ang pagiging Apo, Alpha at Omega. Patunay na minamahalaga yan sa Last Will and Testament ng inyong Mamang. Yan ang nakalagay ang Simbahan itinayo ng Mahal Na Ingkong. Na ibig niya kung siya ay mamatay sa ritual nito, sa paglilingkod ng Simbahan na ito, ako ay mamatay. Tapos Church of The Most Trinity. Tapos Simbahan naglalakbay sa lupa. Saan nakarating? So maliwanag? Ay ito, habang nakasindi nakapikit kayo. Kukunin ito sa inyo. Huwag niyo lang ididilat ang mata. Titignan mo kung sino ang kumuha. Hindi talagang kukunin ito sa inyo. Habang kukunin sa inyo na kayo’y binyagan. Saan kayo dapat binyagan, saan kayo dapat lagyan ng marka ng krus? Ha! [Children answer] Sa noo. Sa noo! Saan ang noo nyo? Ituro. Yan. Sige nga sabihin nyo, noo, noo, noo, noo, noo. Sundan nyo ako, sundan nyo ako, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo, noo. Bakit nasa ilong kayo, ha! sino ang nasa ilong? So sa noo kayo tatatakan. Dyaan kayo bubuhusan ng tubig. Kaya kapag naramdaman ninyo.na nakapikit kayo, malapit na ako sa inyo. Kahit naka ganyan kayo nagdarasal, taas nyo noo nyo. Para dito kayo mabuhusan. At dyan mailagay ang krus sa noo ninyo. Kasi kapag naka ganon kayo, dito kayo bubuhusan sa batok. Kapag hinanap na kayo ng Anghel, hindi nya makikita yong krus. Sa noo titingin eh hindi sa batok. Kasi naka ganon kayo eh. Kaya kapag malapit na sa inyo, mararamdaman naman ninyo. Laging naka ganon. So yong unang lapit sa inyo. Bibigyan kayo ng Pangalan. Na sinasabing latin ang Ingkong sa inyo. At bibigyan ng Pangalan. Pakinggan ninyo yong Pangalan ninyo. So binukas ang puso at katauhan ninyo. Pagkayari nyan, babalikan uli kayo ng Ingkong para isilyado naman ang pagsasama ng Banal nyong Tatak at tsaka ang Espiritu’t Kaluluwa nyo. Kaya puputungan naman kayo ng kamay sa ulo. Naintindihan? [Children answer] Opo. Pagpinuputungan kayo ng kamay sa ulo.Hayaan niyo gumanon uli kayo. Para dito sa noo ninyo, kasi dyan ibinukas dyan mailagay hanggang sa pinakaulo. Naintindihan. [Children answer] Opo. May iba, eh, eh, ehhhhhhhh. Kahit naramdaman mo umiyak yong katabi mo. Huwag mo siyan titignan. Huwag mong imumulat ang mata mo. Katatatak lang sa iyo, ang pangit naman umiyak nito. O humatol ka na kaagad. Nagkasala ka na naman. Kalilinis pa lang sa iyo. Kasi sabi ko huwag kayong dumilat eh. Eh hhhh hhh, Ang pangit. So hindi didilat ang mata. Ha! Mga Apo na magpuputung ng mga kamay sa tatatakan. Lahat ng singsing ninyo, lahat ng inyong mga relo, ilagay sa bulsa. Ibig ko pag pumupunta kayo rito at nagbabanal.kayo. Kung maari pati mga hikaw ninyo lahat. Maging Maria kayo, lalo kayong mga babae. Mama Mary ho! Wala naman gumagapas dyan sa inyo. Wala ang dami mong alahas ang dami mong ano gaganap ka sa pagbabanal. Tapos mamaya nawalan ka pa. Problema mo pa. Nanay ko po hhhh. Pakialam ko. Nawalan po ako, hindi ko po alam kung sinong kumuha! [People laugh] Ginawa nyo pang Madam Auring ang Ingkong. So may problema ba? Wala. Kayo naman mga dumarating, lalo na kayong magpuputung ng kamay at may balak kayong magpaputung. Nandyan ang mga kaparian. Kayo naman mangumpisal kayo. Biro nyo puputung kayo sa mga nilinis na! Yong kasalanan nyo ibubuhos nyo sa kanila. Ano na yan? Pinabanal ng Diyos, puputung ka! Hindi ka naman pala karapat dapat. Dahil bago ka dumating dito. Naka omit ka. O kung may nakita kang isang pitaka nakita mo may nahulog. Hindi ka kunwari kumibo. Nong wala na yong may ari [Inkong laugh] dinampot mo, salamat sa Diyos! Pasalamat ka pa bakit ibinigay ba sa iyo yan? Dapat pagsubok sa iyo, tinawag mo yong mama, tinawag mo yong aling naka hulog. Mangyari baka may pera yon. Baka yong pera na yon, mahal pa ang gagastusin mo sa sakit na ibibigay sa iyo, sa aksidenteng pweding mangyari sa iyo. Mangyari naghinayan ka sa perang makukuha mo hindi mo naman ikayayaman. Samantalang kung ibinigay mo yon. Napagkatiwalaan ka ng Diyos na taong pala ito katiwatiwala, pagkalooban ko kaya! Yong ganon sa iyo sa iyo, yong hindi sa iyo, hindi. Yong ganon sa iyo sobrang sa iyo, ibahagi mo. Maging mabuti kang katiwala ng bayaya ng Diyos at higit kayong pagpapalain. Whatever you have, lalo na pag sobra, e share mo. At dyan ka pagpapalain ng Diyos. Yong tungkulin ninyo. Utos ng Ama, utos ni Hesus, Utos ko ang pagiikapo. Kayo na lamang ang hindi nagiikapo. Ay papano kayo tatanggap. Paano kayo pagbibigyan ng Diyos. Ave Maria Purisima! [People answer] Sinpikado Konsuvida. May tanong? Wala po. Sa dami ninyo, minsan uutusan kayo, habang nakapikit kayo. Ano yon? Move forward. Ha! Abante kayo abante. Susunod kayo na hindi kayo nandidilat ng mata. Minsan, dahil mahaba. Minsan pagkayari kayong mabasbasan dulot dulo may madidinig kayo. Pwede na kayong maupo. Kahit nakaupong ganon, naka ganyan pa rin. Ha! Kung papano nyo kinuha yong kandila yong kamay nyo naka ganon. Hindi pag kinuha na, wala ng kandila, sabi ng kamay. Hindi, nagbabanal ka pa rinl. Babalikan ka pa eh, sisilyohan ka pa ng Diyos eh. Kailangan naka ganon ka pa rin. Maliwanag ba? [Children answer] Opo. Nakahanda na kayo? [Children answer] Opo. Ave Maria Purisima! Sinpikado Konsuvida. Sinpikado Konsuvida! Ave Maria Purisima! Oy matatalino, marurunong. O sige, kayo tatatakan, tayo na! Tayo muna. Ngayon para mabuhay ang inyong dugo, at yan mga rayoma nyo ng pagupo nyo at pagkaluhod ay medyo mabawasan. Mag exercise muna kayo. Kanino tong kandila? Ayusin ang mga… Alagad! Apostol, yong kanilang pagiging pagkaluhod. Dikit dikit lang ganyan! Ayusin na! Tandaan nyo ha! Tandaan nyo sa kanan nyo at sa kaliwa ninyo. Para pagdilat ng mata nyo tignan nyo kung sila pa rin ang sa ano nyo sa gilid ninyo. Huwag misyadong dikit dikit kung may space naman. Space spacio. Ang hindi susunod anong mangyayari? Hindi Tatatakan. Hindi siya babasbasan. Hindi siya blebles ni Jesus, ng Ingkong. Di ba! O sige, hawak muna ang kandila sa isang kamay. Hawak lang ha. Kasi mag e exercise kayo. Kakanta ang Nanay Urbana ninyo. Magandang kanta. Susunod kayo, mayron dito, sino dito ngayon choreographer. Dyan ka. Susunod kayo sa kanya kung anong gagawin nya ha. O ready na kayo! Pati yong may mga Tatak mag exercise kayo! Game! [The song “Mag Exercise Tayo Twing Umaga was sung] Palakpakan nyo ang mga sarili nyo! {People clap their hands] Naglabasan na ang mga pawis nyo! O sige, ready na kayo? [Children answer] Opo. Masaya na kayo? [Children answer] Opo. Lumuhod na ng maayos, wala na ngayn biruan. Seriouso na tayo. Ha! Pipikit na ninyo ang inyong mga mata. Pikit na! Hawak na ang kandila. Dalawang kamay ganon. Ha! Ngayon close your eyes, close your eyes, close your eyes, tapos, you talk to me. Kausapin ninyo ako sa inyong mga isip. Ha! Kayong mga nakakaunawang matatanda, hayaan nyo munang nalilihim sa akin ang mga nagawang nyong kasalanan. Alam ko kung sino ang nalaglag sa inyo. Alam ko gumawa ng misyadong malaking kasalanan. Na kung tutuusin kung hindi sa awa ng Diyos, hindi na kayo patatawarin. Ipagsisi nyo yan, may nagawa kayong kasalanan sa anak nyo. Magsisi kayo sa asawa nyo. Pagsisihan nyo. Mga anak sa magulang, mga kapatid sa mga kalaro pagsisihan ninyo yan. Kausapin ninyo ako sa isip ninyo, sa puso ninyo. Wala kayong sasabihin na hindi ko maririnig. Na hindi ko malalaman. Panalangin nyo na matanggap ko kayo. Mapatawad kayo at magkaroon kayo ng panibagong buhay. Dasal, aawitan kayo ng choir ng O Diyos Ko Patawad, damahin nyo ang lahat ng yan. Huwag kayo makisama sa awit. Manalangin kayo kausapin ninyo ako. So kayong mga Apo nandyadyan, tignan nyo kung sino ang mga nakadilat.bago ko pa makita at mapatayo. Lapitan nyo na at ayusin sila. Ang mga Banal na ibababa ko. [Ingkong speak in Latin] Lahat ng mga Banal na may Pangalan na Santo’t Santa mula sa bayan ng Manabar sa India yan sa India [Choir sung Lumang Krus]

    END

     
     
    Bank Account Details
    Join ACC_Canada's Yahoo Group APOGlobalOnline - Passion for God, Compassion for the Poor
     
     
    Verse of The Day
    “ “You have heard that it was said, ‘Love your neighbor and hate your enemy.’ But I tell you, love your enemies and pray for those who persecute you, that you may be children of your Father in heaven. He causes his sun to rise on the evil and the good, and sends rain on the righteous and the unrighteous.” (Matthew 5:43-45)
    What's New
    Forum Activities
    Useful Sites