Upcoming Events
Sorry, no events to display. You can add your own events by logging in fist and selecting Events from the User Menu
 
 
 
2007-06-23 Beloved Ingkong's Messages (Transcribed)

This was recorded last June 23, 2007 during the 'ganapan' of our Beloved Ingkong at EDSA. This was the first 'ganapan' after our Patriarch went for a mission to USA. To listen to the recordings, you must first download and install Nokia Multimedia Player.

Audio Files:

Filename File Size
Record000.amr 282 KB
Record001.amr 102 KB
Record002.amr 282 KB
Record003.amr 282 KB
Record004.amr 282 KB
Record005.amr 282 KB
Record006.amr 282 KB
Record007.amr 282 KB
Record008.amr 282 KB
Record009.amr 282 KB
Record010.amr 282 KB
Record011.amr 282 KB

For more information about the recordings and to see more of the recordings, click the MESSAGES section on the top menu.


2007-06-23 BELOVED INGKONG’S MESSAGES
Transcribed by: Apo Angelo De Alexandria (Benjamin Cayabyab)
(Disclaimer: The publisher did not verify the accuracy of the transcribed contents)

Record000

Ingkong: Gloria in Excelsis Deo,

Comentator:Alleluia

Ingkong: Gloria in Excelsis Deo,

Comentator:Alleluia

Ingkong: Gloria in Excelsis Deo,

Comentator:Alleluia Sambahin natin ang mahal na Ingkong sa katawan ng mahal na Patriarka at patirapa tayong lahat. Santo, Santo, Santo Panginoong Dios na makapangyarihan. Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo. Hosana sa Kaitaasan.

Ingkong: Pagpapala buhat sa Ama, Anak at Spiritu Santo. Muli sa tawag ng pagibig at paglilingkod bagamat ang inyong Papang ang batang ito na aking ginagamit ay may karamdaman at dumadaan sya sa maraming pagsusuri ng mga manggagamot, at sa kanyang paglilingkod. Galing pa siya sa ibat ibang mga lugar. Galing siya sa Amerika galling siya sa Canada. Walang tigil ang pagbabasbas. Walang tigil ang pagbibigay biyaya sa mga taong naghahanap ng pagpapala ng Diyos. Walang tigil ang pagbibigay ng kaligtasan ng Sanlibutan. Muli, kailan lang siya dumating naririto syang muli para sa inyo. Nalulugod ako sapagkat pinagsisikapan ninyo na kayo makabuo ng bilang ng mga dapat ihandog. Sa mga lingo na wala ako rito. Sapagkat ang inyong Papang ang aking ginagamit at nagiisang ginagamit ko sa panahon ngayon ng Espiritu Santo. Bagamat hindi siya ang tunay kong Luklukan. Ang tunay na luklukan ay babae at tunay na Santa nasa piling na ng Ama sa langit. Pakundangan siyang unang ginamit ko upang masimulan ko ang aking misyon bilang Espiritu Santo. Sa kanya rin ako magwawakas. Kaya ngayon ang inyong Papang ay dumaranas na ng ibat ibang karamdaman. Tulad ng karamdaman na dinanas ng inyong Mahal na Mamang. Kaiingat kayo twina. Lagi nyo syang isasama sa inyong panalangin. Sapagkat sandaling kunin na ang batang itoy sumama na sa kanyang Ina sa langit. Wala na kayong Ingkong na maririnig. Wala na kayong Ingkong na mahahawakan. Wala na kayong Ingkong na mapaglalambingan. Lahat ng biyaya ng Espiritu Santo

Record001

na may pagpapala ng simbahan tinatag ko ang Apostolic Catholic Church. Pakakatandaan ninyo lahat ng simbahan tumatawag kay Kristo ay nilalang at ginawa sa pamamagitan ni Kristo ikalawang persona ng Santisima Trinidad. Subalit sa aking kapanahunan bilang Espiritu Santo natatangi iisa lang ang simbahan itinatag ko ang Apostolic Catholic Church at wala ng iba. Kung sakasakali kayong lahat ay binibigyan ng pagpapala at sinasabing matatakan kayo ito ay para sa inyong kabutihan, para sa inyong kaligtasan, para sa inyong kagampan. Hindi kinukuha ng simbahan ito na umalis kayo sa inyong mga dating simbahan at mapapunta kayo dito. Itoy isang pagpapalang ipinpaliwanag sa inyo at dapat maunawaan ninyo at matanggap nyong buong buo. Kapalaran at pagpapala sa mga taong tumatanggap ng katutuhanan. Maglilingkod ako.

Record002

Comentator: Narito po ang 200 mga kaluluwa, na iniaalay po namin buhat po sa Region 7, Region 8, Region 9 at Region 10. Mahal namin Ingkong, sila man din po ay puspos ng pagaaral sa banal ng iyong salita at sila din po ay naturuan ng mga dasal sa bawat grupo ng banal na Santo Rosario at sila din po ay lahat nakapagkumpisal napo mahal naming Ingkong. At pinapalalangin po namin sa amin pong 4 na Region naway makatanggap po sila ng tulad ng amin pong natanggap na banal na pagpapala at banal na gabay at lahat ng ito naway matanggap nila ang inyo pong bindisyon buhat sa inyong kamay. Marami pong salamat Mahal na Ingkong.

Ingkong: Minamarapat ko ang inyong paghahandog at nalulugod ako sa inyong pagsisikap. Bagamat wala ang katawan ng batang ito dito sa piling ninyo ang aking Espiritu nakasubaybay sa inyo. Sa dami ng taong nandirito at marami pang gagawin. Ang inyong Papang ay may awarding pa mamaya 1:00 magpapasimula na akong maglingkod. Kayong mga nandirito na nakaluhod na may mga kandila. Ano ang ibig sabihin ang Ave Maria Purisima. Aba Ginoong Maria napupuno ka ng gracia sa Engles Hail Mary full of Grace Anong sagot dyan Sinficado Kunsubida hindi sindikado sa abinida Ok. Anong ibig sabihin ng Sinfikado Consivida. Saan walang bahid dungis kasalanan sa mukha sa katawan, Saan Kunsubida. Anong ibig sabihin sa buhay Ang inyong mahal na Ina sinilang sa mundo na walang bahid dungis kasalanan sa kanyang buhay. Yan ay pagbati na ginawa ng isang Arkangel. Arkangel Gabriel kay Mariang Birhen na Ina ni Kristo na Ina ninyong lahat. Yan din ang gagamitin ninyo sa inyong paguusap sa pananalangin ninyo at pagdarasal laluna kung natatakan

Record003

Galang sa mga banal na tatak. Nagbabatian kayo ng Ave Maria Purisima na ang sagot ay Sinfikado Konsibida. Bakit mahalaga na kayo ay magkaroon ng banal na tatak. Mahalaga ito sapagkat ito ang nais ng Diyos. Sa bawat pagganap ng Diyos may kanyakanyang antas ng katungkulan at ng mga kalalagayan. Ibig sabihin, yon ang gagampanan ng mga tao sa mga bawat panahon. Panahon ng Diyos Ama, panahon ng Diyos Anak at ngayon naman ay panahon ng Diyos Espiritu Santo. Nasusulat sa huling aklat ng inyong santong kasulatan ng Biblia. Dyan sa Apocalysis dyan sa pahayag. Sinabi ng Ama sa 4 na mga Angel. Huwag nyo munang pupuksaain ang mundo. Huwag nyo muna parusahan ang dapat maparusahan. Hayaan niyo muna nang lahat ng matatakan at malagyan ng Krus sa noo nila.at maisulat ang bagong pangalan ng Diyos ay matatakan muna. Nangangahulugan mahalaga para sa Ama na mga tao ay magkaroon ng tanda ng Krus sa noo sa pangalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo at maisulat sa kanila ang bagong pangalan ng Diyos. Anong pangalan ng Diyos Ama Yahweh. Anong pangalan ng Diyos Anak Jesus. Anong pangalan ng Diyos Espiritu Santo Mahal na Ingkong. Nasusulat din dyan sa aklat na yan na sa batong puti isusulat ang bagong pangalan ng Diyos. Ang batong puti na iyan ay batong puting buhay walang iba yan kundi ang mga banal na kukunin ng Diyos mula sa langit at ibababa sa mga tao sa mga laman. Sa hula nila propheta Isahias. Nandidyan sa takdang panahon ang Espiritu Santo isasabog nya ang kanyang Espiritu sa mga laman. Sa hula ni Propheta Joel, pagsasamahin ang taga langit at taga lupa. Kailan mangyayari yan? Sa takdang panahon na ang panahon na yan ay ngayon. Panahon ng Espiritu Santo. Si Kain ay mayron din tatak ng krus sa noo pero kulay pula at pabaliktad. Yan ay tanda upang hindi siya lapitan ng sinumang tao, upang maranasan nya ang kaparusahan ng Ama sa kanyang kapanaluhan sa pagkitil ng buhay ng kanyang kapatid.

Record004

at saka sa pagtatatwa niya at paglapastangan sa banal na utos ng Diyos sa pagiikapo. Na sa halip magbigay siya mula sa loob niyang buong puso naghahandog siya sa Ama nang kanyang susunugin alay yan kumakatawan sa kanyang ikapong handog pero kinukuha niya yong mga bulok na. Samantalang si Abel, na nagaalaga ng mga hayop. Kung anong maganda kung anong tinitignan nya na maayos, mataba at malusog. Pinakamaganda sapagkat sa Diyos nya ito iyaalay. Ibinibigay nya yon. Yon ang kautusan nya na binabalik ko rin sa inyo. Tandaan ninyo hindi bumabata ang inyong mundo. Patuloy pa sa paginog, nandyan na lahat ng kapahayagan. Na pagdating ng mga delubyo at mga pagpaparusa ng kalikasan sa mundo ninyo. Doon sa Amerika naranasan ng inyong Papang. Na sa California sa Northern California na hindi nagiinit, uminit na 110 na halos sinusunog na ang tao. At sa lugar naman na hindi naglalamig lumalamig naman. Yan ang palatandaan kaya kung nais ng tao maligtas. Wala naman dapat gawin kundi sumunod. Hanggang kailan ka susunod mga anak. Hanggang ikaw ay maybuhay. Sapagkat ang buhay mo ay galing lang sa Diyos at ang lahat ng ibibigay mo bilang pagsunod mo ay galling din naman lahat sa Diyos. Titignan mo lang at makikita mo lang sa Diyos that you are good steward of the gift that God has given you. Ang mga biyayang mayron ka ang buhay, ang tubig, ang pagkain, ang pera at ang lahat ay galing lahat yan sa Diyos. Isang daan pursiento nya ibinigay masama ba kung ibabalik mo kahit ika sampung bahagi man lang. Ten percent bilang ikapo. Na kung binigay mo dadagdagan niya naman ang lahat ng binigay mo. Yong sampung ibinigay mo magiging doble doble. Maka pitumpo. Pero marami parin naghahangad na sumunod at magmahal sa binibigay ng Diyos kaysa sumunod at magbigay aliw ang pagbibigay pagpapala. Saan mapapahiwalay ang mga kambing sa tupa. Muli lahat na nagsasabi Diyos ko, Diyos ko ay maliligtas. Hindi rin lahat na nagsasabi nakabihis ng puti ay tunay na nagbabanal. Sa katotohanan, sa katawan ng dragon, sa araw ng paghuhukom. Habang nakasulat yan sa inyong pahayag sa Apocalipsis.

Record005

kaluluwa babaet, lalaki, matandat bata nakaputi. Naroon at may tulad ng inyong mga damit. Kabilang patungo sa korte ng Diyos. Nandodoon din si satanas bilang dragon na pula na mayron pitong ulo at sampung sungay. Pitong ulo kumakatawan sa mga pananampalataya at simbahan, na kunwari nagpapahayag ng kaligtasan at pagsunod sa Diyos. Pero hindi, nagbabalat kayo sila. Hindi sila minamarapat ng Diyos. Kaya ulo sila ni satanas. Pito, hindi exacto bilang na pito. Kundi sinasabing maraming magpapanggap, marami manglilito, marami magdadala sa kapahamakan ng maraming tao. At ang sampung sungay ay ang sampong utos ng Diyos. Na iilaw ng bawat ganyan para hiyain at alipustahin ang Diyos Ama. Habang ang tao ay pinupuri ang tao sa mga ginawang kabutihan. Sa punto na yan wala naman taong hindi nakalabag sa Sampung Utos ng Diyos. Kaya dapat ang tao sa kaparusahan. Kaya nandyan ang inyong Inang Mahal Na Birhen. Ang Imakulada Konsepsion with a single virtue and a single grace that She would carry on Her womb. The very enemy of sin. Kaya wala siyang bahid dungis kasalanan and mind you walang reliyon na magliligtas sa sinuman kundi ang awa lamang ng Diyos. Pero ang awa ng Diyos ay nakalagay doon sa taong tunay na sumusunod sa Diyos. Wala naman taong yan kung hindi ang inyong Mahal Na Inang Birhen. Kaya walang kalungkutan kasing abang kalagayan ng mga taong humahamak sa inyong Inang Birhen Maria. Sapagkat naririnig nila ito pala ang nagmamakaawa sa Diyos Ama para ang lahat sana ay maligtas. Kaya sa kaganapan ng Santong tunay. Na tunay na luklukan ng Diyos Espiritu Santo sa huling panahon at dahil sa katapusan ng kanyang pagganap. Wala ng ibang Mariang dadating pa sa mundo. Ni sasanib sa sinumang tao na sukdulan ng lahat ng yan na nandoon sa inyong mahal na Mamang ang Santa Maria Virginia. Sa gampanin niya, She will be the reincarnated Spirit of the Virgin Mary. At dahil doon, tumanggap siya ng lahat, napakalaking pagsubok, napakalaking

Record006

Espiritu sa kaluluwa ng si Maria’y nabuhay bilang Ina ni Kristo. Binata niya sa sarili nya ay walang iba kundi ang nagiisang Anak niya na si Kristo. Sinama na lamang kayo sa kahilingan ng Anak. Kaya nong gumanap siya bilang reincarnated spirit sa katauhan ng inyong mahal na Mamang. Hindi lang isang dinala niya kundi siyam na balaraw na halos ito kumitil ng kanyang buhay. Na siyam na balaraw na ito’y kumakatawan sa pamilya. Bawat isang pamilya nandyan ang bigat ng pagsubok. Sapagkat ang langit kung saan kayo tutungo ay larawan din ng isang napakalaking pamilya kung saan ang inyong Ama sa Langit ang siya nyong Ama, ang inyong Inang Mahal Na Birhen ang siya nyong Ina at si Kristo ay ang inyong kapatid. Samatala lahat ng mga anghel at arkangeles ang magiging mga principalidad at mga banal doon na magbibigay sigla at aliw sa inyo. Mahal ko kayo Iniibig ko kayo. Pasalamatan ninyo ng ganitong pagkakataon na may Diyos na naglilingkod sa inyo. Hindi man marapat sapagkat walang perpektong tao. Kaya hangarin ninyo na matatakan kayo. Tandaan ninyo nakasulat din dyan sa aklat na yan ng buhay sa banding hulihan na may talang bababa, bubulusok papunta sa lupa. Babaon sa ilalim ng lupa at maglalabas ng lahat ng uri ng insekto. Na may kapangyarihan kumitil ng lahat ng buhay, halaman at hayop at ng tao at sinuman makagat nito nanaisin ng mamatay kaysa sa sakit na maramdaman. Pero hindi ipagkakaloob ni kamatayan ang kanyang simat. Ang iiwasan lang nito ang mga insekto ay mga taong may tatak ng krus sa noo. Walang iba ng yan kundi ang ilalagay ko sa inyo. Ang bawat tinatakan, tinatakan na gumaganap bagamat mayron din naman dati tinatakan, nagging manghahatol, nagging pasaway, nagging mga kontrabida, nagging palaban. Ang krus nilang puti ay gagawin kong pula. At kung nakaayos, ititiwarik ko para madali silang makuha ng Angel ng Diyos. Madala sa kaparusahan.

Record007

Lalo na lumaban sila hanggang ngayon. Mahigit dalawang taon na. Sa kanilang pagganap at pagsasarili bukod sa tinayo nilang sariling simbahan na walang connection at simbahan ko at sa simbahan ng kanilang Mamang na turing na Santa Mariang Viginia rin Apostolic Catholic Church. Nagtayo sila ng church of the most holy trinity. Yong mga pangunahing tao dito nasan na. Hinatulan na ng Batas ng Diyos. Ngayon tignan niyo sila, sino sa kanila ang maligaya. Wala silang ginagawa kundi manumbat at lahat. Magbigay ng mga aligasyon. Mayron bang may buhay na nadarama sa kanila. Among between them tama at mali. Sino dapat ang magtagumpay diba ang tama. Sa kasamaan at kabutihan sino dapat ang magtagumpay.diba dapat ang kabutihan. Ngayon nasasaan na sila. Ipanalangin ninyo sa Hulyo 3 ay magpinal na ng decision ang korte sa Dinalupihan upang sa ganon ang mandato na ibibigay sa inyong Papang na ang kanyang mga kapatid lalo na nakakatandang kapatid na sila na ang mamamahala ng lahat ng estate ng inyong Mamang ay magkaroon ng katuparan at magbalik loob na kayo sa tunay na kaganapan at gaganap kayong lahat doon sa Sacrifice Valley (People Clap their hands). Ngayon ang sulat na yan na mandato ng mga magkakapatid ay dapat may kopia ang lahat ng taong kinauukulan. Si Mayor Efren Cruz na maaring dumating sa kaarawan ng inyong Papang sa lingo ay gumawa ng pahayag taasang sulat sa Baranggay Sacrifice Valley kung saan inaafirm niya ng mamamahala ilalagay na magkakapatid bilang administrador ng estate ng inyong Mama at buong Sacrifice Valley ay walang iba ang inyong Barangay Captain doon ang walang iba rin kundi ang inyong Papang – Dr. Florentino Teruel (People Clap their hands). Nasa mandato na iyan sina sabi ng sulat na sinuman tinatakan na nagnanais magbalik loob ay maaaring tanggapin ng simbahan Apostolic Catholic Church. Sa isang pasubali na magbabalik loob at magsisisi at magtitikang gumanap. Ngayon

Record008

CNHP na namumuno Church of the Most Holy Trinity na mga cleriko. Dapat ang lahat ng yan ay hindi na makagamit ng mga estate, mga lugar na pagaari ng Ina ng inyong Papang. Maghanap sila ng sarili nilang bundok. Yon ang ginawa yong naglalakbay na simbahan nila mores at nila meriam. Doon nila natagpuan ang sarili nila sa masbate. Na kung saan ang lugar na ito ay dumaranas din ng maraming pagsubok, paghihirap at paghihikahos. Kalamidad ng sampu ng kamatayan. Sapagkat hindi naman banal ang gumaganap sa kanila. Ang panlilinlang sa tao. Nandodoon hinahabol sila ng taga ng mga magulang at mga batang nakukuha nila. Sapagkat ang mga bata ay hindi na pinapapasok sa eskwelahan dahil magugunaw na ang mundo. May ganito bang nagbabanal. Sa halip na bigyan ng pagasa ang tao ay binibigyan ng walang pagasa. Tapos nagdasal pang Hail Mary pinalitan ng babae nagging Hail Meriam na. Ang dati mong Meriam anong klase to. Nagdadagdag pa ng mga butil sa Rosario. Hindi lang nagbabago ng kulay ng mga butil kundi nagdadagdag pa. Saan sila pupulutin. Ito rin siyang espinatok ganyan din ang mga ginawa. Kahit Mahal Na Araw may mga dumarating na mga sanib. Hindi sanib yon – Sapi. Hindi banal na Espiritu yon mga ligaw na kaluluwa. Sapagkat patay ang Diyos. Mulat mula nagsimula ako ng mission. Dito sa mundo ninyo sa pamamagitan ng Batang ito na inyong Papang. Na sa pamamagitan nya natagpuan ko ang aking tunay na Esposa ang aking Luklukan. Nasa pamamagitan ng Luklukan nito marami at milyon at daksa ang natatakan at pinagpala. Subalit nong dumating ang pagkakataon nais na pagpapasa ng mga kasalanan ng mga tinatakan sampu ng kanyang mga anak. Nagapi ang kanyang katawan, nagkaroon siya ng karamdaman. Ang Batang ito muli ang nagpapatuloy at ngayon ay patuloy ng aking kagampan. Tandaan ninyo sa inyong samahan at sa inyong simbahan. Mula sa barangay niyo at paaralan. Tanawin ninyo sino ang nagging susi. Sino ang nagging dahilan

Record009

para lahat ay magawa walang iba kung hindi ang pinagdaanan ng aking biyaya kundi ang inyong Papang. Sa pamamagitan ng inyong Papang, natagpuan ko ang Banal na Luklukan. Sa pamamagitan ng inyong Papang nagkaroon kayo ng Barangay Sacrifice Valley. Sa pamamagitan ng inyong Papang nagkaroon kayo ng Barangay Sacrifice Valley Elementary School. Sa pamamagitan din ng inyong Papang nagkaroon kayo ng Kolleyo. Nagkaroon kayo ng Simbahan. Nagkaroon kayo ng Kilusan. Tapos ang lahat ng iyan ay tatanggalin. Wala na pasimula ang inyong Papang. Tinanong, papano nagsimula ang isang pamamahayag ang inyong Mahal na Ingkong. Nandoon na mismo sa Mamang ang simula wala sa inyong Papang. Samantalang narinig niyo kanina sa mensahe ang una kong ginamit at nagturing pa sa pamamagitan ng tinig ng inyong Mamang walang iba kundi ang boses na ito. Na tunay na tinayo na simbahan ng inyong Panginoong Hesu Kristo ay walang iba ang Eastern Right. Dyan sa pamamagitan ng pagbaba ng Esperitu Santo sa Jerusalem, sa Israel. At ang Jerusalem na yan bahagi ng Orthodoxia. At ang mga taong namumuno dyan ay Patriarka. Kung papaano si Abraham, si Jose – Esposa ng inyong Mahal Na Ina. Si Jacob, si Isaac at lahat ng nakatatanda ang tawag dyan ay Patriarka, hindi Papa. At pinaliliwanag ko sa tape, sa pamamagitan ng inyong Papang ng Pontifical na Obispo nandyan ang simbahan. Ang pinakamataas na pangalan at titulo na maaaring ibigay sa tao, hindi Presidente, hindi Hari kundi Patriarka. At ang sinuman humatol sa luklukan ni Juan Bautista ay tatanggap ng kaparusahan at matutuyo. Anong nangyari sa dating Father Martin, na isang maskulado at lahat. Pagkayari ng pahayag na yan. Bumilang lang ng isang linggo, dalawang linggo nasisi ko na ang tao. Sapagkat isa sa kaunaunahang humatol. Kaya ang buhay ng inyong Mahal Na Ingkong ay nasa kanyang salita. Ang buhay ninyo ay pagsunod sa salita ng Diyos. Hindi naman kayo habang buhay magtitiis sa mundo.

Record010

Habang buhay sa langit. Kaya wala kayong gagawin kundi ang sumunod at magbigay papuri, paglilingkod, pagsamba sa Diyos. At ang pagsunod niyo sa Diyos ay paglilingkod nyo rin sa inyong kapwa. Tandaan ninyo. Hindi bumabata ang mundo ninyo. Maraming mga sigalot, maraming mga mangyayari. Pero kayong tinatakan na tunay na naglilingkod at sumusunod. Ano man ang mangyari sa mundo, maliligtas at maliligtas kayo. Walang mangyayari sa inyo. Pagkatatandaan niyo yan. Kayong mga tinatakan o tatatakan makinig kayo sa akin. Gisingin ang natutulog. Gising na. Mamaya paluluhurin kayo, lumuhod kayo ng maayos diba. May hawak kayong kandila, sisindihan yan. Ang hawak nyo sa kandila, ay nasa bandang dulo ng ilalim. Pahiram ng isang kandila. Ilan ang dulo na ito, dulo pa itaas, dulong ilalim. Ito sisindihan, dito ba kayo hahawak? Bakit hindi, dahil mapapasot, masusunog. Dapat bandang sa likuran. Ngayon pag sinindihan, nasaan ang kandila, nakaganon ba, masusunog ang balahibo sa ilong. Pag nandyan masusunog ang mukha nyo pag dilat nyo bakekang na kayo. Kaya dapat naka ganon – malayo ha. Hindi naman naka ganon sa ulo ng nasa harapan mo. Naka ganon lang. Nakapikit ang mata. Hindi nyo ididilat ang mata hanggang hindi nyo nadidinig sa tinig ko na mari na kayong dumilat. Kapag nakita ko kayong lumalabag, hindi sumusunod, lalagpasan ko kayo. Pagnilagpasan ko kayo hindi ko na kayo babalikan. Ibig sabihin hindi kayo nakapasa, hindi kayo tatatakan. At umiyak pa kayo mamaya hindi kayo karapat dapat ngayon. Kaya susunod kayo ha. Ngayon may binyagan, may pagtatatak. Bubuhusan kayo ng tubig sa noo ninyo. At lalagyan kayo ng krus sa noo. At bibigyan kayo ng banal ninyong tatak. Pag ginagawa yon. Pikit ang mata. Makakadilat ba kayo hindi nakangiwi ang mukha niyo. Mahipan kayo ng hanggin paguwi ninyo sabi ng nanay nyo

Record011

Mama tatatakan: Po ay pumunta lang ako sa banyo ito na.

Ingkong: Kasi hindi ka sumunod ha. Kaya susunod kahit ano ang mangyari huwag ididilat ang mata. Kahit maramdaman nyo lumilindol, yumayanig ang niluluhuran ninyo. Nababaon kayo sa ilalim ng lupa. Nakapikit pa rin kayo. Para pag dilat nyo nandito na kayo. Yan lupa lahat. Maliwanag. Ngayon para malaman nyo na hindi kayo nawala sa lugar ninyo. Tignan niyo yong bandang kanan ninyo. Ang katabi ninyo sa kanan, tignan nyo ang mukha. O bago kayo lumiko, lumingon pakita nyo muli ang mukha ninyo sa katabi ninyo. Sa kanan. Nakita niyo. O sabihin nyo magbago ka na. Sabihin nyo huwag kayong mahiya. Magbago ka na. Ha. O tingin sa kaliwa, tignan nyo ang mukha nyan. Sa kaliwa ninyo. Yong ganyan ninyo tignan ninyo. Sabihin ninyo – Ikaw rin. Kaya pareho kayong magbabago. Ha. Noong una good luck e tapos magbago ka na. Ngayon Ikaw rin. Handa na kayo. O sige tayo muna kayong lahat, gumawa ng tuwid na linya. Dahil napakarami ninyo. Makinig muna. Pati yong mga magaayos. Makinig. Yong linya ninyo pagka nakaupo kayo halimbawa unang linya. Nabasbasan ng tubig at lahat. Kawawa naman kayo kung tunay kayong palaging nakaluhod. O pagkatapos mabasbasan ng tubig.hanggang dulo. Ha. Uusod kayo paparito para may lugar sa bandang likuran nyo makadaan ako. Maliwanag. Tapos pag urong niyo dito May bubulong sa inyo pwede na kayo munang umupo. Umupo na nakapikit ang mata, hindi lumuhod at hindi humiga ha. At siya tatapusin hanggang doon sa dulo. Pagkayari babalik na naman sa harapan kakanta ng Kristus Vinsit. Puputungan kayo uli ng kamay para iselyado ang mga tatak ninyo. Yong una, ibinabaon palang – ibinababa palang sa inyo. Ang pagseselyo nito pagsara ay pagputong ng kamay ko sa inyo bawat isa sa inyo. Maliwanag. Naintindihan. O sige. Pila na. Ayusin ang pila.. Tuwid ang pila.

END

 
 
Bank Account Details
Join ACC_Canada's Yahoo Group APOGlobalOnline - Passion for God, Compassion for the Poor
 
 
Verse of The Day
“ “You have heard that it was said, ‘Love your neighbor and hate your enemy.’ But I tell you, love your enemies and pray for those who persecute you, that you may be children of your Father in heaven. He causes his sun to rise on the evil and the good, and sends rain on the righteous and the unrighteous.” (Matthew 5:43-45)
What's New
Forum Activities
Useful Sites